Content creator nagreklamo nang takutin ng ex-BF na ipapakalat ang mga video nila
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Content creator nagreklamo nang takutin ng ex-BF na ipapakalat ang mga video nila
Nang magbigay ng hudyat ang babaeng biktima, agad na inaresto ng mga tauhan Ng National Bureau of Investigation ang kasama nitong lalaki sa isang restaurant sa Tarlac City.

Ang bitkima na isang content creator ay inireklamo ang kanyang boyfriend na binantaan siyang ikakalat ang kanilang mga intimate video at photo kapag hindi ito nakipagkita sa kanya.

Nakuha sa lalaki ang cellphone na may larawan at video nila ng biktima.

"Ang isinampang natin ay psychological abuse doon sa kanyang pananakot na ipapakalat ang videos dahil nag d suffer ang ating complainant sa psychological oh na nagkaroon ng anxiety depression because of the threat kaya sinampahan natin ng Violation of RA 9262," ayon kay Atty Allan Glenn Acal ng NBI.

Kuwento ng babaeng vlogger, dalawang taon na silang magkarelasyon ng dating boyfriend. Pero nang hiwalayan at iwasan na niya ito doon na siya sinimulan na takutin umano tungkol sa kanyang nude photos at kanilang sex video.

"Nag-start to nung time na parang lumalala na yung anger issue niya na parang pag pumipitik na lang siya, sinasaktan na niya ako. Tapos may time every labas ko, every event, iniisip niya na may iba akong kasama or what which is wala naman pagkahinalaan. Tapos tamang hinala siya, doon na siya nag start na parang nananakit na siya tapos paulit ulit na lang. Nakapag decide ako a month ago na parang ayoko na talaga kasi nakaka-drain na siya. Ayoko na siya balikan. Nung nakipag break na ko, nananakot na siya na magse-send ng threat sakin, sa family ko, sa friends ko, pag di ko siya kinausap, ikakalat niya yung photos na meron siya about me." kwento ng biktima.

Nagpayo naman ang NBI sa mga may karelasyon.

“Kung meron silang ka relasyon at meron silang intimate moments 'di naman kailangan i video yan dahil baka sa huli gamitin din ito para di ka makalabas sa inyong relasyon,” ayon kay Acal.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Cybercrime Prevention Act at Violence Against Women and Children ang suspek.