Sunog sumiklab sa Tondo, Manila | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Sunog sumiklab sa Tondo, Manila
Nicole Agcaoili,
ABS-CBN News
Published Aug 31, 2024 10:27 PM PHT

MANILA – Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Dagupan St., Tondo, Manila nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa spot report ng Bureau of Fire Protection-Manila, una itong itinaas sa unang alarma bandang 4:40 p.m. at agad na inakyat sa ikalawang alarma 4:48 p.m.

Idineklara itong fire out bandang 5:43 p.m., halos isang oras ang makalipas.

Kwento ni Gigi de Guzman, residenteng nasunugan, kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto nang makaamoy ng tila nasusunog na kable ng kuryente.

ADVERTISEMENT
“Maya-maya may umusok na sa ano namin sa may pader. Ang lakas po agad ng usok. ‘Yung mga pamilya ko binaba ko po agad sila kesa naman masaktan kami,” aniya.

Ani de Guzman, wala sila naisalba na kahit anong gamit.

“Eh ‘di na po ako nakakuha ng gamit kasi mas importante yung buhay kesa sa mga gamit eh. Mapapalitan pa naman yan,” aniya.

Pero kanyang panawagan, “pero sana naman kung sino may mabubuting puso sana naman bigyan nyo po kami kasi wala po talaga kaming nasalba kahit ano po.”

Ayon naman kay Erwin Macasieb, kagawad ng Barangay 62, nangyari ang sunog kasabay ng palaro sa kanilang barangay.
Ayon naman kay Erwin Macasieb, kagawad ng Barangay 62, nangyari ang sunog kasabay ng palaro sa kanilang barangay.
ADVERTISEMENT
Aniya mabuti na lang at may malapit na mga bumberong agad na rumisponde sa kanilang lugar.

“Syempre habang wala sila inaayos namin mga kalsada para mabilis yung pag dating,” aniya.

Magtatayo aniya muna ang barangay ng pansamatalang matutuluyan ng mga nasunugan habang nag-aantay ng tulong mula sa mga kinauukulan.

Patuloy pang iniimbestigahan ang bilang ng residenteng apektado, halaga ng pinsala, at sanhi ng sunog.