Mga pulis sa LRT, MRT dinagdagan | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga pulis sa LRT, MRT dinagdagan
MRT-3 Love Train, Pebrero 8, 2024. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

Dinoble ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga tauhan nitong naka-deploy sa MRT at LRT stations kasunod ng mga krimen na naitala sa ilang istasyon.

Ayon kay NCRPO chief MGen. Jose Melencio Nartatez Jr., mula sa mahigit 400 na PNP personnel, nag-deploy siya ng nasa mahigit 800 na pulis sa mga train station.

Kung dati aniya tatlong pulis lang ang nakabantay sa bawat istasyon, ngayon 6 na pulis na ang nakadeploy habang naglagay din ng police assistance desk.

Sa datos ng NCRPO, nakapagtala ng 29 na krimen sa istasyon ng MRT at LRT mula noong Enero hanggang Hulyo.

Pinakamakataas ang insidente ng pandurukot, iligal na pagdadala ng baril, pagsusugal, at physical injury.

Limampu’t anim na krimen naman ang naitala noong nakaraang taon kung saan pandurukot pa rin ang may pinakamataas na bilang. May naitala ring sexually related incidents, pekeng bomb threat at iligal na pagdadala ng baril.

Ang Boni MRT station ang may pinakamataas na insidente ng pandurukot na nakapagtala ng 6 na kaso habang nakapagtala ng 2 kaso sa Kamuning MRT station mula Enero hanggang Hulyo.

Cubao MRT station naman ang may pinakamataas na insidente ng pandurukot noong isang taon habang nakapagtala ng walong insidente sa Kamuning at Guadalupe MRT stations.

Kasunod ng mga naitalang insidente, nag-inspeksyon sa ilang mga istasyon ng LRT at MRT at sumakay din ng tren si Nartatez para malaman ang latag ng seguridad at kumustahin ang mga pasahero nitong Miyerkules ng umaga.

Naging kampante naman ang loob ng ilang pasahero na dati nang nadukutan at nakaranas ng harassment sa pagsakay ng tren nang malamang dinagdagan na ang bilang ng mga pulis na nakabantay sa bawat istasyon ng MRT at LRT.

Sa kabila ng mga nabanggit na datos ng krimen na nangyayari sa mga train station, iginiit ni Nartatez na walang dapat ikabahala at kontrolado ng mga pulis ang sitwasyon.

Ang pagdoble aniya ng deployment ng pulis ay para mapigilan na madagdagan pa ang insidente o di kaya ay matarget nila ang zero crime sa mga istasyon ng tren.

Patuloy din na nakikipag-ugnayan ang NCRPO sa pamunuan at security team ng MRT at LRT stations para matiyak ang seguridad ng mga pasahero.

Nanawagan naman ang pulisya sa mga pasahero na kung nabiktima ng ano mang krimen sa mga tren station, agad na ireport sa police assistance desk o police outpost sa paligid ng mga train station.