15 katao nabiktima ng 'sangla-kolekta-benta' modus sa Muntinlupa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
15 katao nabiktima ng 'sangla-kolekta-benta' modus sa Muntinlupa
Inaresto ng District Special Operations Unit-Southern Police District ang 3 katao, kasama ang isang empleyado ng Muntinlupa City Hall, na sangkot umano sa “sangla-kolekta-benta modus” sa isang restaurant sa Poblacion, Muntinlupa City, pasado alas-4 ng hapon nitong Lunes.

Kabilang sa 3 nahuli ang 48-anyos na babae na empleyado ng Muntinlupa City Hall, anak niya na 28-anyos na babae na isang public school teacher at asawa nitong 36-anyos na dating pulis.

“‘Yong modus nila is isasangla nila, and then kokolektahin nila ‘yong pera, then ibebenta nila. From sangla, kolekta, tapos ibebenta nila ‘yong property,” pahayag ni PMaj. Maynard Pascual, hepe ng DSOU-SPD.

Ayon sa pulisya, umabot na sa 15 indibidwal ang nasanglaan ng mga suspek ng kaparehong ari-arian tulad ng isang gusali ng apartment at commercial building na matatagpuan sa Sucat, Muntinlupa City.

“Kapag may nagka-interes, nagpe-present sila regarding doon sa property na isasangla nila, then magaling nga silang manghikayat, magkakaroon po sila ng kontrata o agreement. ‘Yon na, kukuhanan na nila ng pera [ang biktima],” dagdag pa ni Pascual.

Nasa kontrata umano ng pagsangla na makatatanggap ng buwanang interes ang mga biktima pero makalipas ang ilang buwan ay wala na umanong paramdam ang mga suspek.

Dito na umano nadiskubre ng mga biktima na iisang ari-arian lamang ang isinangla sa kanila ng mga suspek.

Kabilang sa mga biktima ay ang 54-anyos na babaing public school teacher na nag-loan pa ng halos isang milyong piso na ibinayad sa mga suspek.

“Malaki po ‘yong tiwala ko sa kanya kasi kilalang-kilala ko po siya. Estudyante ko po siya. Ang nanay po niya ay kasama namin sa simbahan. Kaya alam ko po na mapagkakatiwalaan silang tao,” saad ng biktima.

Nang hindi na umano mabayaraan ang napagkasunduang buwanang interes sa pagkakasangla, ibinenta na umano ng mga suspek sa isa pang 42-anyos na negosyanteng biktima ang ari-arian.

“Ngayon po, inalok na naman sa akin ‘yong property para mabayaran ako doon sa pagkakautang sa akin is bibilihin ko na ‘yong property nila. That’s the time po na nagsumbong na ako sa mga kinauukulan,” saad ng biktima.

Sa kabuuan, halos 10 milyong piso ang nakuha ng mga suspek mula sa mga biktima na halos lahat ay mga propesyunal at negosyante.

Nang matanong tungkol sa naturang modus, “no comment” lamang ang naging tugon ng tatlong suspek.

Napag-alaman din ng mga awtoridad na 2021 pa ginagawa ng mga suspek ang naturang modus.
Napag-alaman din ng mga awtoridad na 2021 pa ginagawa ng mga suspek ang naturang modus.
ADVERTISEMENT
Nakapiit sila ngayon sa Southern Police District at mahaharap sa kasong estafa.

Nanawagan ang DSOU-SPD sa iba pang posibleng nabiktma ng mga suspek na mag-report sa kanilang tanggapan.