Dayuhan, binaril at hinoldap umano ng riding-in-tandem sa Makati

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Dayuhan, binaril at hinoldap umano ng riding-in-tandem sa Makati

 | 

Updated Sep 12, 2024 09:17 PM PHT

Clipboard

Patay ang isang hindi pa nakikilalang dayuhan matapos pagbabarilin sa may Kalayaan Avenue, Barangay Bel-Air sa Makati City nitong Miyerkules.

Sa ulat ng Makati City Police Station, nakatanggap sila ng tawag mula sa gwardya ng kalapit na subdivision tungkol sa nangyaring pamamaril.

“May narinig siyang apat na sunod-sunod na putok kaya nagresponde ang ating kapulisan. Pagdating nga nila dun, nakita nila dun ‘yung biktima na duguan nasa sidewalk,” ayon kay PCol. Joseph Talento, hepe ng Makati Police.

Isinugod sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan.

ADVERTISEMENT

Sa isinagawang backtracking ng pulisya, nakita ang biktima na may suot na maliit na bag at naglalakad mag-isa nang dumaan ang magkaangkas sa motorsiklo.

“Nung mag u-turn sila sa harap, nakita nagpalit sila ng pwesto— ‘yung rider at saka ‘yung nakaangkas sa kanya. At hindi na nakita sa CCTV kung papano ang mga sumunod na pangyayari,” sabi ni Talento.

“Narinig na lang ‘yung apat na putok at nung dumating na ang mga tropa, ‘yung nakitang bag sa CCTV backtracking, wala na sa lugar,” dagdag niya.

Walang naiwan na kahit anong identification card na tutukoy sa pagkakakilanlan ng biktima.

Lumalabas na robbery-holdup ang motibo sa krimen.

ADVERTISEMENT

“Dahil sa nawawala ‘yung kanyang bag pero we will not discount any possiblilties that there are any other motives behind,” sabi ni Talento.

Patuloy na tinutugis ng pulisya ang dalawang suspek.

Makikipag-ugnayan din sila sa embahada para makatulong sa imbestigasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.