Alice Guo tumangging sagutin ang mga tanong ng ilang senador sa muling pagsalang sa hearing | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Alice Guo tumangging sagutin ang mga tanong ng ilang senador sa muling pagsalang sa hearing
Patrol ng Pilipino
Published Sep 16, 2024 12:43 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Naubos ang pasensya ng ilang senador matapos tanggihan pa ring sagutin ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang mga katanungan sa kanyang totoong pagkatao, higit isang buwang pagtatago, at koneksyon sa ilegal na POGO nang muli siyang humarap sa pagdinig ng Senado noong September 9.

Paulit-ulit na iginiit ni Guo na hindi siya pwedeng sumagot sa mga alegasyon laban sa kanya dahil may mga nakabinbin siyang kaso.

Inusisa rin ang nasa P1.9 bilyon na perang pumasok sa bank accounts ni Guo at nasa P3 bilyon naman sa kanyang farm mula 2018 hanggang 2024, pero pinabulaanan niya ito.

Inilipat naman sa Valenzuela RTC mula Capas, Tarlac ang mga kasong graft ng sinibak na alkalde.
Inilipat naman sa Valenzuela RTC mula Capas, Tarlac ang mga kasong graft ng sinibak na alkalde.
ADVERTISEMENT
Samantala, isa pang kaso ang ihahain ng DOJ laban sa sinibak na dating alkade, bagay na sinusuportahan ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino para masiguro na hindi marerepaso ang naturang kaso.

Sa ngayon, mananatili si Guo na nakadetine sa custodial center ng Philippine National Police sa Camp Crame sa kabila ng patuloy na paghiling ng Senado na malipat ang kustodiya ni Guo sa kanila.

– Ulat ni Victoria Tulad, Patrol ng Pilipino
Video produced & edited by Jann Conrad Bonifacio
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT