Ilang kalsada sa Makati, binaha

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ilang kalsada sa Makati, binaha

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Binaha nitong Linggo ng gabi hanggang Lunes ng umaga ang ilang kalsada sa Makati City matapos ang malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan.

Gutter-deep ang baha sa bahagi ng Sen. Gil Puyat Avenue corner Osmeña Highway mag-aalas-dose nitong Lunes, dahilan para maglakad palayo ang ilang pasahero na naghahanap ng puwesto para makasakay.

Nakadaan naman ang light vehicles katulad ng mga motorsiklo at iba pang maliliit na sasakyan.

Binaha rin ang bahagi ng Urban Avenue, kung saan malaking bahagi ng kalsada ang nalubog sa gutter-deep na baha. 

ADVERTISEMENT

Malaking bahagi rin sa Chino Roces Avenue cor. P. Ocampo Street ang binaha matapos ang pag-ulan.



Abala ang inabot ng magkatrabaho na sina Sandy Royo at Samuel Ricalde, na naudlot ang pag-uwi dahil sa lakas ng ulan. Dalawang oras umano sila naghintay para  humupa ang baha at lakas ng ulan.

Iniiwasan din ng rider na si Ricalde na pasukin ng tubig ang kanyang motorsiklo lalo na’t gutter-deep pa ang baha.

“Pag umuulan talaga, sobrang lalim ng lugar na ‘yan. Kapag labas namin – dito kami banda naka-park – mahirap kasi baka tumirik ang motor namin,” ani Ricalde.

“Papahupain namin ang baha, kapag kaya na, tsaka kami tutuloy. Yung oras namin ng pag-uwi hindi na namin nasusunod,” dagdag niya.

ADVERTISEMENT

Malaking perwisyo rin kay Royo ang pagbaha.

“Nag-stop na lang kami sa gilid kasi sobrang taas ng baha," aniya.

Pasado alas-dos ng madaling araw nang humupa ang pagbaha sa bahaging iyon ng Chino Roces Avenue.

Read More:

baha

|

Makati

|

flood

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.