LRT-2 catenary wire sa Gilmore Station tinamaan ng kidlat
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
LRT-2 catenary wire sa Gilmore Station tinamaan ng kidlat
Johnson Manabat,
ABS-CBN News
Published Sep 16, 2024 11:53 AM PHT
|
Updated Sep 16, 2024 02:19 PM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA -- Kita sa CCTV footage na tinamaan ng kidlat ang isang tren ng LRT-2 kagabi.

Nag-abiso ang LRT-2 na maaantala ang pagbubukas ng operasyon ng LRT Line 2 ngayong Lunes dahil isinaayos muna ang catenary wire na tinamaan ng kidlat sa Gilmore Station kagabi.

Ang catenary wire ay siyang nagbibigay ng kuryente sa tren. Nagkaroon ng delay ang repair dahil sa magkakasunod na kidlat kagabi. Sa kabila ng repair, nag-umpisa ng 5am ang operasyon ng LRT-2 kaninang umaga.

Ayon kay LRTA administrator Atty. Hernando Cabrera, tumama ang kidlat nang 9:44 p.m., Linggo ng gabi. Mga 70 metro ng catenary wire ang nasira dahil sa insidente.

Sinabi ni Cabrera na natapos ang pag-ayos sa mga catenary wire ng 3:30 a.m., kung kaya't nagsimula pa rin ng alas-singko ng umaga ang operasyon ng LRT-2.

Courtesy: LRTA Administrator Atty. Hernando Cabrera
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT