Babae nalunod sa creek sa kasagsagan ni TS 'Enteng', bangkay natagpuan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae nalunod sa creek sa kasagsagan ni TS 'Enteng', bangkay natagpuan
COURTESY: Barangay San Isidro/ Jigz Pala

Natagpuan nitong Lunes ng gabi ang bangkay ng babaeng nawala sa Barangay San Isidro, Parañaque City, matapos mahulog sa creek sa kasagsagan ng Bagyong Enteng Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rian Ivanhoe, 16-anyos na taga-Barangay Tambo sa Parañaque.

Ayon kay Juanita Aguilar, Violence Against Women and their Children (VAWC) desk officer ng Barangay San Isidro, nahulog ang biktima at ang kapatid ng boyfriend niya sa creek sa kasagsagan ng malakas na ulan at mataas na tubig.

Nag-iinuman umano ang biktima kasama ang boyfriend at kapatid nito sa gilid ng creek sa bahagi ng Lower Matatdo sa naturang barangay bandang alas-11 ng gabi nitong Linggo.

“Dahil tumaas ang tubig, kasi ang bahay kung nasaan sila, malapit talaga sa creek. Ito ang bahay tapos pagbaba, ayun na ang creek. Wala namang harang. Pero ang sabi nila, puwedeng nadulas kaya nahulog. Sabi naman, ayon doon sa boyfriend, is parang niyakap ng step-brother ang bata sabay lumundag sa ilog,” sabi ni Aguilar.

“After niyan, ang nakita na lang nilang umahon is yung lalaki. Yung step-brother ng boyfriend,” aniya.

“Hindi namin alam kung ano ang insidente, kung nahulog ba siya, nadulas or whatever. Wala kaming malinaw na dahilan. Under investigation pa ang kaso kung ano ang tunay na nangyari,” dagdag pa ng opisyal.

Nagtulong-tulong pa ang mga kawani ng barangay, Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office, Philippine Coast Guard, at Bureau of Fire Protection para sa search and rescue operations.

Maga-alas-6 nitong Lunes nang matagpuan ang katawan ng babae na palutang-lutang sa ilog katabi ng Marcelo Compound sa Barangay Moonwalk.

“Tinawag ko ang boyfriend dahil kasama namin at the time, kasi nakabalot siya ng kumot, binuksan, na-confirm ng boyfriend na siya nga ang batang hinahanap,” sabi ni Aguilar.

Kuwento ni Jasper Mendoza, ang tumulong sa pag-ahon ng katawan ng biktima sa ilog, nakita na lang niya at kanyang mga kaibigan ang palutang lutang na katawan ng biktima.

“Tinitingnan nila yung ilog, may nakalutang na tao… pinuntahan ko dun tapos sabi nila talunin daw. Tinalon ko, tapos hinawakan ko yung damit ng babae. Ginilid ko sa may brace,” ani Mendoza.

“Nagsabi yung anak kong isa na may nawawalang bata doon sa gilid ng creek kaya noong sinabi ng anak ko dito, hindi na siya nagdalawang-isip. Tinalon na yung bangkay. Yung gabi pa yun na hinahanap,” sabi ni Silvestre Mendoza, ang tatay ni Jasper.

Labis naman ang paghihinagpis ng pamilya ni Rian sa kanyang sinapit.
Labis naman ang paghihinagpis ng pamilya ni Rian sa kanyang sinapit.
ADVERTISEMENT
Sabi ni Mary Jane Ivanhoe, tita ni Rian, ikinagulat nila ang pangyayari. Hindi rin umano nagpaalam ang kanyang pamangkin na makikipag-inuman.

“Niyapos daw ang pamangkin ko tapos tumalon sa creek. Tumalon, sabay sila ng pamangkin ko,” ani Ivanhoe.

“Masakit po. Kasi umalis ang pamangkin ko nang maayos sa bahay tapos may tumawag na si Rian ay tumalon daw sa creek, masakit talaga sa amin kasi ang bata pa talaga ng pamangkin ko,” dagdag niya.

Pina-autopsy na ng pamilya ang bangkay ni Rian.