PNP iginiit na walang banta sa buhay ni Quiboloy | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP iginiit na walang banta sa buhay ni Quiboloy
Duterte supporters and members of the Kingdom of Jesus Christ hold a protest at Liwasang Bonifacio in Manila on August 26, 2024 in support of Apollo Quiboloy, who is currently being pursued by the police at the KOJC compound in Davao City to serve an arrest warrant to the fugitive. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA -- Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na walang banta sa buhay ni Kingdom of Jesus Christ founder at leader Apollo Quiboloy, taliwas sa sinasabi ng kampo nito.

Sinabi ng abogado ng KOJC noong Biyernes na may banta sa buhay ng pastor, na siyang dahilan kung kaya't hindi siya sumusuko sa mga awtoridad.

"May extraordinary rendition na dadalahin siya sa Amerika without proving his innocence here in the country, kaya nga nag-request si Pastor before na magpirma lang sana ng written declaration si Presidente (Ferdinand) Marcos na hindi siya dalahin sa Amerika," ani Atty. Israelito Torreon.

Ngunit ayon kay PNP PIO Acting Chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo, si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na mismo ang nanigurado ng kaligtasan ni Quiboloy at iba pang kapwa akusado nito kung susuko ang mga ito.

"Wala tayong namo-monitor na ganiyan, at kung matatandaan niyo, no less than our Chief PNP, si Gen. Rommel Francisco Marbil, ang nag-assure sa kaniya," wika ni Fajardo.

"Sinabi po niya ito during the Senate hearing, na siya mismo ang nag-assure kay Pastor Quiboloy at iba pa, na sisiguraduhin niya na magiging ligtas at secure sila once they decide na sumuko," dagdag nito.

"'Yun pa rin 'yung assurance ng PNP, na handang bigyan ng seguridad ng PNP si Pastor Quiboloy. 'Yun din 'yung inaapela natin. Kung 'yun ang reservation ng iba pa niyang mga supporters, kung bakit ayaw, very vocal sila. Naririnig ng mga tao natin doon, and it was shared to me na hindi daw nila isusuko si Pastor Quiboloy."

"So kung 'yun 'yung kanilang reservation, kung bakit nila ayaw isuko, then uulitin natin 'yung appeal at assurance ng inyong pambansang pulisya na ibibigay natin yung mga kaukulang seguridad, para hindi naman magkaroon ng agam-agam sina Pastor Quiboloy na sila ay malalagay sa alanganin once they opted to surrender."

Iginiit din ni Fajardo na kung ano man ang ginagawa ng PNP sa KOJC compound sa Davao City ay naayon sa batas.
Iginiit din ni Fajardo na kung ano man ang ginagawa ng PNP sa KOJC compound sa Davao City ay naayon sa batas.
ADVERTISEMENT
"Ang ini-invoke ng PNP, kung ano man 'yung on-going operations doon, ay 'yun pong Section 11 ng Rule 113 ng Rules of Court, kung saan nakasaad doon ang sinumang officer na naatasan pong magsibi ng warrant at naniniwala siya na yung kanyang inaaresto na tao ay nandun ay meron siyang authority to break in doon sa isang establishment and even enclosures," paliwanag ni Fajardo.

Sa ika-sampung araw ng pagpapatupad ng PNP ng warrant of arrest nananatili pa ring malaking hamon sa pulisya ang paghahanap kay Quiboloy.

"Talagang nahihirapan tayo to really pinpoint 'yung exact location kung saan nakaka-detect tayo ng mga human life," ani Fajardo. "Itong kanilang tunnel and bunker is intended to withstand yung man-made and even natural disaster."

"But we have particular areas na tinututukan. But again, one of the challenges na talagang kinakaharap yung stiff resistance talaga ng KOJC members."

Nakiki-usap ang PNP sa mga miyembro at tagasuporta ng KOJC ng kooperasyon para mapabilis na nila ang kanilang police operation sa lugar.

"More or less, nandoon pa rin tayo. Mga close to 50% pa rin, dahil may mga buildings pa rin talagang may resistance na ayaw tayo papasukin," ani Fajardo. "This is contrary doon sa protection order na inissue ng korte na dapat ay hindi magkaroon ng blockade and barriers diyan sa mga daanan nila at sila mismo ang naglalagay doon ng mga metal barriers, naglagay nung kanilang mga water tanks and fire trucks."

"Ito 'yung mga ganitong situation kung bakit mas lalo pong nade-delay 'yung police operations diyan. That's why we keep appealing kila Atty. Torreon at iba pa pong mga officers ng KOJC na might as well cooperate para mas mapabilis natin itong trabaho natin."

KAUGNAY NA ULAT:
Read More:
Kingdom of Jesus Christ
KOJC
Apollo Quiboloy
Col. Jean Fajardo
Philippine National Police
PNP
Davao City
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT