Tatay, nagrarasyon ng tanim na gulay sa mga anak, iba pang kaanak

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tatay, nagrarasyon ng tanim na gulay sa mga anak, iba pang kaanak

Bayan Mo,

Ipatrol Mo

Clipboard

Naantig ang puso ng mga netizen sa video ng isang tatay na araw-araw naghahatid ng gulay sa anak.

Labis ang pasasalamat ni Bayan Patroller Kristina Dizon sa kanyang ama na si Antonio Salvador Dizon dahil palagi nitong pinakikita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagsigurado na may maayos siyang kakainin sa araw-araw.

Kwento niya, kahit nakabukod na siya ng bahay ay patuloy siyang binibisita ni Tatay Antonio para bigyan ng mga gulay na inani mula sa sariling bukid sa Quezon City.

Ilan sa mga ulam na madalas niyang lutuin mula sa mga gulay na dinadala ng ama ay adobong sitaw, ginisang alugbati at pakbet.

ADVERTISEMENT

"Happy naman kasi malakas pa siya at nagagawa niya pa 'yung hilig niya and nakakatulong sa amin kasi ang mahal na ng gulay ngayon… Mine-make sure niya palagi na meron siyang dala-dala bago siya pumunta sa amin. So 'yung Acts of Service nakakatuwa,” saad ni Kristina.

Para naman kay Tatay Antonio, ehersisyo kung kanyang ituring ang araw-araw na pagbisita sa mga kapamilya para magdala ng mga naaning gulay. 

“Hindi po ako nagbebenta kasi iniisip ko 'yung mga anak ko at pamangkin ko. Kaysa bumili sila ng pang sahog, ibibigay ko na lang sa kanila. Tsaka sa mga kaibigan ko na nanghihingi binibigyan ko rin,” pagbabahagi ni Antonio. 

 Dagdag pa ni Tatay Antonio, depende kada buwan o season ang mga gulay na kanyang itinatanim. 

Inaabot ng dalawa o tatlong buwan bago magpalit ng tanim si Tatay Antonio. Mula Agosto hanggang Disyembre ngayong taon ay palay na ang tanim ni Antonio. Hindi rin siya gumagamit ng fertilizer sa kaniyang pananim kaya lahat ng ito ay maituturing na organic, ani ni Tatay Antonio.

ADVERTISEMENT

Sampung taong gulang pa lang nagsimulang magtanim sa bukid si Tatay Antonio kasama ang kanyang mga magulang. Sa mga panahong walang tanim ay nagtrabaho din si Tatay Antonio bilang construction worker.

Para kay Tatay Antonio ay mahalaga na makakain ang mga kapamilya ng masustansyang pagkain kaya naman patuloy siyang magtatanim ng gulay para ibigay sa kanila.

Sa ngayon ay mayroon ng 3.4 Million Views, 170k na reactions at 11k na shares ang naturang Facebook post


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.