Lalaking nanloob ng bahay sa QC nagtago sa banyo

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lalaking nanloob ng bahay sa QC nagtago sa banyo

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

Arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa akto na nanloob ng isang bahay sa Barangay UP Village, sa Quezon City alas-11 ng umaga nitong Miyerkules.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Zachary Capellan, station commander ng QCPD Station 9, dumaan sa isa sa mga nakabukas na bintana ang suspek matapos umano makitang walang tao sa bahay.

Kalaunan ay naabutan ng biktima ang suspek at nahuli mismo ang kawatan habang bitbit niya ang ilan sa mga nakaw na gamit.

“Nung pagpasok niya ng gate nakita niya itong isang lalaki sa loob ng kanyang tahanan at nung napansin siya habang bitbit yung mga nakaw na gamit agad tumakbo ito. Mabilis na tumakbo patungo sa direksyon ng kanilang banyo,” sabi ni PLt. Col. Capellan.

ADVERTISEMENT

Ayon sa pulisya, agad lumabas ang may-ari ng bahay para humingi ng tulong.

“So nung inattempt sundan noong complainant, nagdalawang isip siya kasi maaring itong suspek ay kargado ng patalim. So lumabas siya, paglabas nakita din niya yung ibang mga gamit niya doon din nakalatag sa malapit sa gate 'yung mga ibang ninakaw,” sabi ni PLt. Col. Capellan.

“Nagkataon na ito mga pulis natin kasalukuyang nagpapatrol sa lugar so agad siyang humingi ng saklolo at sinamahan itong ating mga pulis patungo doon sa direksyon kung saan ang suspek ay nagtatago sa banyo. Doon positibo na nakita ng mga pulis na talagang nagtatago at agad dinakip ng mga pulis ang suspek,” dagdag niya.

Nabawi sa suspek ang ilang gulong at iba pang nakaw na kagamitan na nagkakahalaga ng P55,000.

Lumabas din sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, na nakulong na rin dati sa Kamuning Police Station ang suspek dahil sa kasong malicious mischief.

ADVERTISEMENT

Aminado ang suspek sa nagawang krimen.

“Hihingi lang sana ako ng pasensya sa kanila kung nagawa ko iyon, sorry po talaga, dahil po sa hirap ng buhay kaya ko nagawa iyon,” sabi ng suspek.

May paalala ang pulisya para maiwasang mabiktima ng mga akyat bahay.

“Gusto namin iparating dito sa Anonas Police Station na itong ating mga nagmamay-ari ng mga bahay, maging vigilant po lalo na kapag nililisan nila ang kanilang tahanan at walang naiiwan. Panatilihin pong sarado ang pintuan, bintana at kung saka sakaling may kahinahinalang mga tao na nasa paligid nila ay agad ipagpaalam sa pinakamalapit na pulisya, sabi ni PLt. Col. Capellan.

Nakakulong na ngayon sa QCPD Station 9 ang lalaki na mahaharap sa reklamong robbery.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.