Barge sa Navotas City sumadsad dahil sa sama ng panahon | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Barge sa Navotas City sumadsad dahil sa sama ng panahon
ABS-CBN News
Published Sep 03, 2024 12:18 PM PHT
|
Updated Sep 03, 2024 12:29 PM PHT

Isa pang barge ang sumadsad sa Navotas City nitong Martes, ayon sa Philippine Coast Guard. PCG Facebook

MAYNILA — Isang barge ang sumadsad sa Navotas City nitong Martes, ayon sa Philippine Coast Guard.

Rumesponde ang PCG matapos matanggap ang ulat na napigtas ang lubid na nakakabit sa Barge Karangalan 2 dahilan para matangay ito palayo sa San Miguel Corporation (SMC) Shipping Lighterage Wharf sa Tanza bandang alas-6 ng umaga.

Ang barge ay uri ng barko na madalas ginagamit sa mga inland waterway gaya ng ilog. Kadalasan, ito ay hinihila ng iba pang sasakyang pantubig.

Agad na tumulong ang MTUG Limay 3 para mahila ang barge sa ligtas na lugar pero muli itong natangay at sumadsad sa mababaw na bahagi ng Pondohan, Tangos North, Navotas City dahil sa lakas ng alon at hangin.

Kasalukuyan pang mino-monitor ang barge habang hinihintay na gumanda ang panahon.
Kasalukuyan pang mino-monitor ang barge habang hinihintay na gumanda ang panahon.
ADVERTISEMENT
KAUGNAY NA VIDEO
KAUGNAY NA VIDEO
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT