Alamin: Bakit kailangang ibenta ang buffer stock na bigas ng NFA? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alamin: Bakit kailangang ibenta ang buffer stock na bigas ng NFA?

Alamin: Bakit kailangang ibenta ang buffer stock na bigas ng NFA?

Jervis Manahan,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA--Sinimulan na ng National Food Authority ang pagbebenta ng bigas mula sa buffer stock nito kasunod ng pagdeklara ng food security emergency sa bigas ng Department of Agriculture.

Tinatayang nasa 300,000 metriko tonelada ng NFA rice ang ibinebenta sa buong bansa sa pamamagitan ng mga pamahalaang lokal.

Itinakda naman sa P33 hanggang P35 kada kilo ang presyo ng NFA rice. Sa paglalabas ng buffer stock, inaasahang bababa rin ang presyo ng bigas sa mga pamilihan.

Dagdag ni NFA Administrator Larry Lacson, kinakailangang mapabilis ang pagbenta ng bigas mula sa mga bodega ng ahensiya para muling makabili ng bagong bigas sa mga magsasaka.

ADVERTISEMENT

Isang paraan din aniya ang pagdeklara ng food security emergency para maiwasan ang pang-aabuso sa mga magsasaka pagdating sa bentahan ng palay. 


 – Ulat ni Jervis Manahan, Patrol ng Pilipino

Video produced with Felix Delos Reyes


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.