Bakit mahirap dagdagan ang minimum wage sa bansa? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit mahirap dagdagan ang minimum wage sa bansa?

Patrol Ng Pilipino
Published Nov 30, 2024 06:54 PM PHT

Ayon kay Ser Percival Peña-Reyes, direktor ng Ateneo Center for Economic Research and Development, kailangang isaalang-alang na pwedeng magdulot ang pagdagdag ng sahod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo o pagbawas ng empleyado ng mga kumpanya para sagutin ito.

“Pag ginagawa mo yan, may kailangang sumagot niyan. You legislate it but someone has to foot the bill. Kaya yun yung mahirap na considerations niyan,” sabi niya.

Ito ay matapos manawagan ang mga progresibong grupo para sa P750 na minimum wage habang dinidinig sa Kongreso ang iba’t ibang panukalang batas para sa matagal nang hinihiling na dagdag-sahod.

Para kay Peña-Reyes, ang pagpapataas sa productivity ng mga manggagawa sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kalidad ng buhay sa bansa ang susi sa makatarungang wage increase.

“Higher wage is what we want, but that is rewarded by more productivity. The more productive you are, the more income you’ll have, the more you’d be able to spend on goods and services,” sabi niya.

Dagdag ng ekonomista, nararapat daw na bigyang-pansin ng pamahalaan ang paghahatid ng solusyon sa matatagal ng suliranin sa bansa, gaya ng pagreresolba ng trapiko, pagtutuldok sa kurapsyon, at pagsasaayos ng red tape.

– Ulat nina Lance Arevada, Verlou Casao, Maxine Endaya, Jorell Liwanag and Kirstein Pilongo, Patrol ng Pilipino Interns
Related video:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT