'Ang pinakamasakit na arthritis': Bakit nagkakaroon ng gout ang isang tao | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Ang pinakamasakit na arthritis': Bakit nagkakaroon ng gout ang isang tao
X-ray image o radiograph ng isang paa. FIle

MAYNILA — "It's actually the most painful form of arthritis."

Ganito inilarawan ng isang rheumatologist ang sakit na gout, isang anyo ng arthritis bunsod ng mataas na lebel ng uric acid na namumuo sa joints o kasu-kasuan.

"Ang gout ang pinaka-common form ng arthritis na nakikita natin sa ating mga Pinoy. Ito ay dala ng mataas na uric acid level," sabi Dr. Aileen Agbanlog Dimatulac, isang rheumatologist mula St. Luke's BGC, sa panayam ng Teleradyo Serbisyo.

Ayon sa Philippine Rheumatology Association, tinatayang nasa 1.6 milyong Pilipino ang may gout.
Ayon sa Philippine Rheumatology Association, tinatayang nasa 1.6 milyong Pilipino ang may gout.
ADVERTISEMENT
"Ang usual manefestation nito, usually napakasakit na arthritis, debilitating, hindi makalakad, namumula yung joint... Pag nakita niyo yung big toe, nangangamatis, meron syang mapula, mainit, maga," sabi ni Dimatulac.

Kapag matindi na ang gout, nagkakaroon na rin ito ng bukol-bukol sa ilalim ng balat dahil sa pamumuo ng "tophy" o white deposits dulot ng uric acid.

SANHI NG GOUT
Karaniwan umano nagkakaroon ng gout ang mga lalaking middle-aged o 30 hanggang 50 anyos at kapag babae naman ang madalas itong nagde-develop pagkatapos ng menopause.

Sabi ng doktora, lifestyle ang pinakasanhi ng pagkakaroon ng gout pero may factor din umano ang genetics.

"Sa gout kasi more on lifestyle [pero] may genetic aspect din, kung may family history... Pero most often than not, lifestyle din siya, sa kinakain."

"Yung mga may gout, sila yung obese, sila yung walang exercise, may associated medical condition like hypertension, diabetes, mataas na cholesterol, so yung mga ganong profile sila yung at risk magkaroon ng gout," dagdag niya.

Pero ang mga gamot na diuretics, anti-TB, aspirin, at chemo medications ay posible rin umanong magdulot ng mataas na uric acid.

MGA BAWAL KAININ
Sabi ng doktora, pinaka-trigger ng gout ay ang mga pagkaing mataas ang purine at fructose corn syrup. Narito ang ilang halimbawa:

• Alcohol
• Alcohol
• Soft drinks (diet or regular)
• Soft drinks (diet or regular)
ADVERTISEMENT
• Juices
• Juices
• Processed foods
• Processed foods
• Cereals
• Cereals
• Karneng baka
• Karneng baka
• Karneng baboy
• Karneng baboy
ADVERTISEMENT
• Lamb
• Lamb
• Shrimp
• Shrimp
• Crab at iba pang sea food na may shell

• Atay at iba pang mga lamang loob
• Atay at iba pang mga lamang loob
• Sisig
• Sisig
ADVERTISEMENT
• Steak
• Steak
Pero taliwas sa kadalang sinasabi, hindi umano bawal sa mga may gout ang munggo at mani.

"Lahat ng gulay pwede. Hindi totoo yung monggo, puwedneng pwede sila kumain ng munggo, pati mani."

FIRST AID AT GAMUTAN
"Yung mga patient na may gout, mararamdaman nila na magkaka-gout sila kasi may uneasy feeling na sa paa na medyo sumasakit na. Yung iba naman parang lalagnatin," sabi ni Dimatulac.

Narito ang maaaring paunang lunas sa gout:
Narito ang maaaring paunang lunas sa gout:
ADVERTISEMENT
• Kailangan ipahinga ang joint
• Kailangan ipahinga ang joint
• Lagyan ng yelo
• Lagyan ng yelo
• Mag-hydrate
• Mag-hydrate
• Inumin ang maintenance meds
• Inumin ang maintenance meds
Pinayuhan din ni Dimatulac na iwasan ang pag-inom ng non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) na nabibili over-the-counter dahil posible umano itong mas makalala pa sa sakit.

"Maraming iinom lang ng gamot pampapababa ng uric acid during acute attack, pero pag ginagawa nga yun, mas lalong sumasakit because sudden drop ng uric acid can also trigger an attack," aniya.

Para mabawasan ang paulit-ulit na atake ay kailangan panatilihin ang healthy diet.

"Diet alone cannot address gout, but it's a big step."

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
gout
rheumatologist
sakit
health
Aileen Agbanlog Dimatula
arthritis
uric acid
purine
red meat
munggo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT