'Gamot ba sa hika ang butiki?': Mga dapat tandaan kung ikaw ay may asthma | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Gamot ba sa hika ang butiki?': Mga dapat tandaan kung ikaw ay may asthma

Clipboard

Naka-face mask ang isang babae at kaniyang anak sa Maynila, June 21, 2017. Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File

MAYNILA — Sa paggunita ng World Asthma Day ngayong Martes, isa-isang itinama ng pulmonologist na si Dr. Randy Joseph Castillo ang samu't saring "fake news" tungkol sa hika. 

Itinakda ang World Asthma Day tuwing unang Martes ng Mayo.

Sa panayam ng Teleradyo Serbisyo kay Castillo, inilarawan nya ang hika bilang isang "chronic at pangmatagalang kondisyon."

Dahil sa paninikip ng airway, ang taong may hika ay inuubo, kinakapos ng hininga at sumusikip ang dibdib kapag inaatake.

ADVERTISEMENT


GUMAGALING BA ANG ASTHMA?


"Kung ang pasyente ay may asthma, habambuhay na niya itong dadalin, lalo na't nagkakaroon kasi ng pamamaga or inflammation ng kanilang airway," sabi ni Castillo, na tagapagsalita rin ng Lung Center of the Philippines.

Gayunpaman, sinabi ni Castillo na may mga datos kung saan nawawala ang hika pagtungtong ng 7 years old.

Dahil pangmatagalang sakit ang hika, importanteng ma-manage ito.

"Ang magma-matter na lang dito is papaano natin ito kokontrolin, so ganon naman kaganda ang mga gamot natin ngayon," aniya. 


PAGKAIN NG BUTIKI


Isa sa mga sinasabing sinaunang gamot sa asthma ay ang pagkain umano ng butuki, pero hindi daw ito totoo sabi ni Castillo. 

"Laging tinatanong yan sa asthma forum. Wala naman talagang bisa yan. Of course, hindi natin madi-discount yung mga paniniwala ng ating ninuno, pero wala talagang direktang kemikal o component sa lizard that will [treat] asthma," aniya. 

ADVERTISEMENT

Giit ng doktor, wala pang naiimbentong gamot na tuluyang makapagpapawala ng hika. 


TRIGGERS


Paliwanag ni Castillo, ang asthma ay maituturing na allergy.

"Ang asthma sa baga ay bronchial asthma, ito ay nakapasok sa umbrella na tinatawag nating atopy, iba't ibang uri ng allergy."

Narito ang ilang maituturing na triggers ng asthma: 

• dumi sa hangin

ADVERTISEMENT

• usok ng sigarilyo

• usok mula tambutso

• matatapang lang na amoy tulad ng pabango o kemikal 

• molds o amag

• paiba-ibang panahon

ADVERTISEMENT

• balahibo ng hayop

Sabi ni Castillo, ilan lang ito sa karaniwang triggers ng asthma at iba-iba ito sa kada taong may hika.

"Sa mga pasyenteng may sensitibong airways, konting amoy lang o langhap sa polusyon o maruming hangin, inaatake sila," aniya.


CONTROLLER AT RELIEVER


Sabi ni Castillo, maikakategorya sa dalawa ang gamutan sa asthma: controller at reliever.

Ang mga controller ay yung mga gamot, karaniwang inhaler, na regular na ginagamit ng pasyente. Ginagamit ito sa partikular na oras kahit hindi inaatake ng asthma.

ADVERTISEMENT

Ang reliever ay yung mga gamot na ginagamit kapag inaatake na ng asthma. 

"On top of the maintenance meds, kapag ang pasyente nakaramdam ng hirap at hindi pa due dose ng kanilang maintenance meds, pwede silang mag-inhaler," sabi ni Castillo. 

Ang mga gamot sa asthma ay madalas mayroong corticosteroids, na mabisang anti-inflammatory medication.

"Ang backbone ng treatment ng asthma ay inhaled corticosteroids o pang-alis ng pamamaga," aniya.

Isinusulong rin ni Castillo na gawing mas accessible ang mga inhaler. 

ADVERTISEMENT

"Gawin nating accessible ang inhaled treatment. Gone are the days na gumagamit tayo ng tableta, ngayon talaga ina-advocate natin ang inhaled treatments tulad ng inhalers, nebulizers," aniya.

Paalala ng doktor sa mga may hika, ang sakit na ito ay nakamamatay pa rin kaya't ugaliing agapan ang atake nito. 

"Alamin natin ang ating mga trigger. Gamitin ang maintenance meds, dalhin ang rescue inhalers. Huwag balewalain ang mga sintomas."


KAUGNAY NA VIDEO: 



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.