Anesthesia dahilan ng pagkamatay ng 10-anyos na bata na tinuli sa Tondo: MPD
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Anesthesia dahilan ng pagkamatay ng 10-anyos na bata na tinuli sa Tondo: MPD
MAYNILA -- Kinumpirma ng Manila Police District na may kaugnayan sa anesthesia na ginamit ang naging dahilan ng pagkamatay ng 10-anyos na lalaki na sumailalim sa circumcision o tuli sa Tondo, Maynila noong Mayo 17.

Sa resulta ng otopsiya, lumalabas na "subarachnoid hemorrhage" ang ikinamatay ng biktima matapos makita ang pagdurugo sa bahagi ng kaniyang utak.

"According sa ating medico legal officer, ang pinaka-simpleng paliwanag po dito ay may nakitang pagdurugo sa isang parte ng utak ng bata na posibleng may kaugnayan doon po sa pagturok ng anesthesia na naging sanhi po ng pagkamatay ng ating biktima," saad ni PCapt. Dennis Turla, hepe ng homicide section ng MPD.

Isang babaeng testigo ang dumulog sa tanggapan ng pulisya na nakakita sa ginawang pagtutuli ng suspek sa biktima.
Isang babaeng testigo ang dumulog sa tanggapan ng pulisya na nakakita sa ginawang pagtutuli ng suspek sa biktima.
ADVERTISEMENT
"According sa kanya, nakita niya 'yong pagturok ng anesthesia, at the same time hindi niya rin alam na ito pala ay hindi naman pala doctor at alam niya rin na maraming beses na nagtutuli itong ating suspek," dagdag ni Turla.

Nanatiling at large ang midwife na nagsagawa ng pagtutuli.

Mahaharap ang suspek sa mga reklamong Reckless Imprudence Resulting in Homicide, paglabag sa Medical Act of 1959, at Food and Drug Administration Act of 2009.

Hustisya naman ang panawagan ng ina ng biktima.