Sobrang pagkain ng maalat, matamis, itinuturong dahilan ng pagdami ng Pilipinong may kidney problem

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sobrang pagkain ng maalat, matamis, itinuturong dahilan ng pagdami ng Pilipinong may kidney problem

Dennis Gasgonia,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Isa sa itinuturong dahilan ng pagdami ng kaso ng chronic kidney disease sa bansa ay ang kinagawian ng mga Pilpino pagdating sa pagkain. 

May 2.3 milyong Pilipino ngayon ang may chronic kidney disease at isa kada isang oras ang nakakaroon ng kidney failure sa bansa, ayon sa National Kidney Transplant Institute. 

“Sa atin kasi sa Pilipinas isa sa love language natin ang pagkain,” sabi ni Dr. Francis Ish Pargas, tagapagsalita ng Philhealth, sa panayam sa DZMM Teleradyo. “Isa sa pinakamalaking dahilan (ng pagkakasakit) would be our lifestyle. Una yung pagkain nating ng mga masyadong maalat kahit ang pagkain ng masyadong matatamis.” 

Sinabi ni Pargas na tipikal sa marami sa mga Pilipino ang pagkain ng lima hanggang anim na beses kada isang araw.

ADVERTISEMENT

Dahil din sa hospitality ng mga Pinoy, hindi nawawala ang maglapag ng masarap na pagkain para sa mga bisita natin, aniya. 

“Wala tayong bisita na hindi natin papakainin, hindi natin paaalisin ng walang pagkain,” sinai ni Pargas. “Part of the discipline really is pagkain natin ng mas mababa ang asin at tamis.” 

Pero hindi lang daw sa pagkain nanggagaling ang mga kaso mga problema sa bato. Paliwanang ni Pargas, minsan ay namamana rin daw ang naturang sakit. 

“Pwede ring namamana... sa impeksyon pa lang sa pagkabata, pwedeng nasisir agad ng ating bato,” sabi niya. 

“Meron ding kadahilanan sa pagkasira ng ting bato katulad ng mga impeksyon, ‘yan din ay isang dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng chronic kidney disease ‘yung mga tinatawag na glomerulonephritis.” 

ADVERTISEMENT

Paliwanag ni Pargas, ang sakit sa bato ay nakakaapekto sa bata o matanda. 

"'Yung 2.3 million cut across all ages. Kung lifestyle ang cause, ito ay madami sa may edad na. Yung may impeksyon mas marami sa mga kabataan," aniya."Nakikita din natin na madami na rin po ang naaapektuhan along working ages. 'Yung 40s meron na pong nagsisimulang pagkakasakti sa ganyang edad."

Kamalailan lang ay inilunsad ng Palasyo ang bagong Philhealth benefit package na tutulong sa mga adult at pediatric post-kidney transplant patient. 

Ang "comprehensive package" ay inilabas para pagaanin ang mabigat na gastusin sa mga pamilya ng mga pasyenteng may kidney problem. 

Ang paglunsad ng programa ay itinaon sa pagbisita ni Pangulong Ferdnnand Marcos Jr. sa National Kidney Transplant Institute nitong nakaraang Linggo.


KAUGNAY NA ULAT:



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.