Bakit minsan dinudugo matapos ang pagtatalik? | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit minsan dinudugo matapos ang pagtatalik?

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MANILA — Normal na ang pagtatalik sa dalawang matandang indibidwal, pero bakit may ilang pagkakataon na dinudugo ang babae matapos ang pagtatalik?

Ayon kay wellness specialist Dr. Lulu Marquez, karaniwan ay "harmless" ito o wala namang masamang dulot sa kalusugan, ngunit hindi pa rin dapat ipagpabalewala lalo na kung madalas itong mangyari.

"It is not related to menstruation... 'yung iba kasi ang layo pa. It's either natapos na or parating pa lang. Pero harmless 'yan but it could be a sign of an underlying issue kung palaging may bleeding," Marquez said in DZMM TeleRadyo's Private Talks.

Dagdag pa niya, maaaring agaran itong mangyari matapos ang pagtatalik o pwede ring matapos ng ilang oras o kinabukasan.

KAKULANGAN SA LUBRICATION
"Isa sa mga minor cause niyan ay ang lack of lubrication. May friction so it can cause pagdurugo kasi na-irritate o napunit 'yung vaginal tissues," ani Marquez.

"[Ang isa pang dahilan] ay rough sex o deep penetration. It can cause tearing of the vaginal tissue or pag binigla 'yung deep penetration, mauuntog 'yung kwelyo ng matres o 'yung cervix," dagdag pa niya.

Kabilang din sa mga nakikitang dahilan ng pagdurugo ang "first time intercourse" o kauna-unahang beses ng pagtatalik.

Maaari din umanong maging sanhi ang "vaginal dryness" lalo na sa mga sumasailalim na sa menopause kaya mainam ding kumonsulta sa OB-GYN kung ano ang maaaring magamit na pampadulas o lubricant tuwing nagtatalik.

"For those na mga nakapanganak o post-partum, pwedeng dry po 'yan tapos nakipagtalik ka, pwedeng dumugo po 'yan. Sa mga nagbe-breastfeeding, you may have vaginal dryness," ani Marquez.

POLYPS O STD MAARI RING SANHI
Bukod sa mga nabanggit na karaniwang sanhi, maaari din namang dahilan ang pagkakaroon ng "cervical polyps" o mga bukol ang babae kaya ito dinudugo.

"Kadalasan, hindi naman 'yan malignant e. Benign 'yan at matanggal siya, okay na siya. Kaya lang minsan pag dumami 'yan at nakipagtalik ka, pwede 'yan magblee at masugatan. Kaya dapat pinapatanggal 'yan," aniya.

"Kapag din may inflammation of the vagina or the cervix, magkakaroon ka rin ng infection or irritation, dudugo 'yan," dagdag niya.

Maaari din umanong sanhi ang pagkakaroon ng STDs o sexually transmitted diseases sa pagdurugo.

Minsan rin pero hindi karaniwang sanhi ng pagdurugo matapos ang pagtatalik ay ang hormone imbalances ng babae.
Minsan rin pero hindi karaniwang sanhi ng pagdurugo matapos ang pagtatalik ay ang hormone imbalances ng babae.
ADVERTISEMENT
Sa mga malubhang pagkakataon naman, maaaring dinudugo ang babae matapos makipagtalik dahil sa kanser sa ari o sa cervix.

KAILAN DAPAT KUMONSULTA SA DOKTOR?
Payo ni Marquez, sakaling makaranas ng pagdurugo matapos ang pagtatalik, mainam na pumunta agad sa OB-GYN para matukoy ang sanhi nito.

"Specially kung fresh 'yung dugo. Pag pulang-pula 'yung dugo, fresh 'yan. Pag dark o medyo itim na ang dugo, mas grabe pa 'yun," aniya.

"Bleeding after sex is common and not always a cause for concern pero pag persistent po 'yan, dapat ma-discuss 'yan sa health practitioner," dagdag niya.