Mga maling paniniwala sa gout na dapat puksain

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga maling paniniwala sa gout na dapat puksain

ABS-CBN News Digital Intern,

Kirsten Rianne Siu

Clipboard

MAYNILA — Ayon sa Philippine Rheumatology Association, nasa 1.6 milyong Pilipino ang apektado ng gout. 

Isa itong anyo ng arthritis bunsod ng mataas na lebel ng uric acid na namumuo sa joints o kasu-kasuan.

Sa programang “Aksyon Ngayon” ng DZMM, pinabulaanan ni Doc Denis Ngo ang mga matagal nang paniniwala tungkol sa sakit na ito, at ipinaliwanag kung bakit hindi lang ito sakit ng mayayaman, o simpleng epekto lang ng sobrang pagkain ng munggo.


Myth #1: Ang gout ay laging sa paa lang mararamdaman

Bagaman madalas umatake ang gout sa hinlalaki ng paa, pwedeng tamaan ang iba’t ibang joints gaya ng daliri, siko, at kamay. Ayon kay Doc Denis, may mga pasyente na ang mga daliri ay may “umbok-umbok”; ito ang mga tinatawag na tophi crystals na namumuo sa kasukasuan.

ADVERTISEMENT


Myth #2: Nag-iinarte lang ang may gout — ‘masakit lang naman yan’

“Hindi ito arte,” diin ni Doc Denis. Kapag may gout flare, sobrang sakit na nito kahit mahanginan o matapik lang ang balat. May mga pasyente raw na hindi makatulog o gumalaw sa tindi ng kirot. “Kahit electric fan, masakit,” sabi pa niya.


Myth #3: Kapag kumain ka ng munggo, tokwa, o sitaw, gout agad

Pinabulaanan ng doktor ang popular na paniniwalang nakapagpapataas ang munggo ng uric acid, na sanhi ng sakit na gout. Mas dapat aniyang bantayan ang red meat, laman-loob, seafood, at beer dahil sa barley. “Iniipon ‘yan,” aniya, hindi ka agad tinatamaan. At kung umiinom ka ng sapat na tubig, mas malaki ang chance na mailabas ito ng katawan.


Myth #4: Joints lang ang apektado ng gout

Hindi lang kasukasuan ang pwedeng tamaan ng uric acid buildup. Maaaring magdulot ito ng kidney stones, panlalabo o pamumula ng mata, at pagtaas ng blood pressure. “Pwede siyang makaapekto sa cardiovascular system,” ayon kay Doc Dennis.


Myth #5: Habambuhay na ang gout at hindi na mawawala

May pag-asa pa kung maagapan. “Kung wala pang deformity, pwede pa nating i-reverse,” paliwanag ni Doc. Sa mga unang atake, sapat na ang cold compress, pahinga, pag-iwas sa high-purine food, at pag-inom ng maraming tubig. Pero kung tuloy-tuloy na ang atake, kailangan na ng gamot tulad ng colchicine, NSAIDs, o steroids; pero kailangang may gabay ng doktor.


Myth #6: Kailangan iwasan lahat ng bawal

Hindi kailangang iwasan ang lahat ng bawal. “Everything in moderation,” giit ni Doc Denis. Mas mahalaga ang consistency kaysa pagtotodo ng iwas pero balik din sa dati. “Tanungin mo, ‘sumasakit pa rin ba?’ Kapag oo, eh ‘di walang silbi ‘yung pag-iwas,” sabi niya.


Sa huli, ang kaalaman at tamang gabay ang susi para mapamahalaan ang gout, hindi takot o tsismis. Hindi mo kailangang tiisin mag-isa ang sakit. Kung paulit-ulit na ang sintomas, huwag mahiyang kumonsulta sa doktor.


PANOORIN




Read More:

ABSNews

|

gout

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.