ALAMIN: Proseso ng HIV testing

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|

ALAMIN: Proseso ng HIV testing

Patrol Ng Pilipino,

Raphael Bosano

 | 

Updated Jul 09, 2025 02:46 PM PHT

Clipboard

iWant

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

Stream All the Feels Only on iWant.ph. Get the app and hit subscribe on Google Play, Apple Store.

MAYNILA — Bagamat may pag-aalinlangan pa rin na nararamdaman ang ilang tao sa pagpapa-HIV test, tiniyak naman ng mga eksperto at ng gobyerno na walang dapat ikatakot dahil kaligtasan at kalusugan nila at ng ibang tao ang nakasalalay dito.

Sa Quezon City na libre ang pagpapa-test, may ilang hakbang na kailangang sundin. 

Una, magpapa-schedule ang kliyente bago pumunta sa klinika o health centers. Ikalawa, kailangan nilang pumirma ng consent form bago kuhanan ng dugo. 

Pagkatapos nito, kailangan nilang maghintay ng 15 hanggang 30 minuto para sa resulta. Para sa mga “reactive” o positive ang resulta, sasailalim sila sa counseling session.

ADVERTISEMENT

Mula January hanggang May 2025, patuloy na tumaas ang bilang ng mga nagpositibo sa HIV sa bansa, gayundin sa Quezon City na may naitalang 421 na bagong kaso ng PLHIV o People Living with HIV.

Sa bilang na ito, 149 mga kabataang edad 15-24 anyos at nag-aaral pa. 

Mayroong 9 na social hygiene clinics at 67 health centers sa buong Quezon City na nag-aalok ng HIV testing para sa mga nais malaman ang kanilang status.


– Ulat ni Raphael Bosano, Patrol ng Pilipino

Video edited by Raphael Bosano;  post-production by Archie Rosal


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.