Patrol ng Pilipino: Hello, Madlang Pipol…Mabuhay Lanes! | ABS-CBN
Featured:
|
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Patrol ng Pilipino: Hello, Madlang Pipol…Mabuhay Lanes!
ABS-CBN News
Published Dec 03, 2023 11:34 PM PHT

MAYNILA – Sa dumaraming mga motorista sa lansangan dahil sa Christmas rush, nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na gamitin ang mga ruta ng Mabuhay lanes.

Ang Mabuhay lanes o dating kilala bilang Christmas lanes ay ang mga alternatibong ruta ng EDSA na pwedeng daanan para makaiwas sa heavy traffic.

Ayon sa MMDA, pinaigting nila ang clearing operations sa mga nakahambalang sa Mabuhay lanes para hindi na makaipit sa mga sasakyang gagamit nito.

Noong 2022, nakapagtala ang MMDA ng 410,000 na sasakyang dumadaan sa EDSA araw-araw – sobra sa 300,000 na capacity nito.

– Ulat ni Karen De Guzman, Patrol ng Pilipino