40 menor de edad sa Caloocan, nagbatuhan ng Molotov pagkatapos ng Simbang Gabi

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

40 menor de edad sa Caloocan, nagbatuhan ng Molotov pagkatapos ng Simbang Gabi

Kaxandra Salonga,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nagbatuhan ng molotov bomb — bote na may laman na gasolina o iba pang nasusunog na likido — ang nasa 40 na menor de edad sa J.P. Bautista Street sa Barangay 79 at 80 sa Caloocan City noong Huwebes ng madaling araw. 

Kuha ng CCTV ang pag-ilag ng isang 16-anyos na lalaki nang ihagis sa kanyang direksyon ang molotov bomb habang naglalakad pauwi matapos ang Simbang Gabi. 

Kuwento ng biktima, may hawak pa siyang sopas na ipinamigay ng barangay sa Misa at ito ang ibinuhos niya para maapula ang apoy.

“Sabi nila, babarilin po daw sila… yung kasama po namin,” sabi ng biktima.

ADVERTISEMENT

Batay sa pahayag ng 15-anyos na lalaking miyembro ng kanilang grupo, may alitan na sila ng mga nambato ng molotov bomb mula pa noong 2023.

Ginantihan umano nila ito sa parehong paraan noong Simbang Gabi ng nakaraang taon.

“Naangasan daw po sila sa amin. Tahimik naman po kami. Di naman po kami naghahanap ng away. Sila ang naghahanap ng away,” sabi niya.

“Ganun din po. Molotov hinahagis din po namin pero wala kaming kasalanan doon. Gumaganti lang po kami eh. Sila po nangunguna,” dagdag niya. 

SASAKYAN MUNTIK MADAMAY

Ayon kay Ezra Cruz, kapitan ng Barangay 79, walang sugatan sa insidente pero muntik masunog ang isang sasakyan nang sumuot ang isang bote sa ilalim nito.

ADVERTISEMENT

“Pagdating ng Simbang Gabi, ginagawa nilang battlefield ‘tong area na to… yung isang grupo galing Caloocan, yung isang grupo galing Malabon. Pag nagsimba sila dito sa St. Gabriel, dun sila nagmi-meet, dun nagkakaroon ng angasan,” sabi ni Cruz.

Dagdag ni Cruz na taun-taon nagkakaroon ng insidente ng batuhan ng molotov bomb sa kanilang barangay at mga kalapit na lugar tuwing Simbang Gabi.

May tanod naman daw na nagbabantay habang may Misa, pero umaalis na rin ang mga ito pagkatapos.

“Doon naman sila tuma-timing ng rambulan kaya darating kami tapos na… hindi naman natin pwede ikulong yung mga bata dahil minor,” dagdag niya.

Nakipagtulungan si Cruz sa Barangay 80 para higpitan ang seguridad sa kahabaan ng J.P. Bautista street.

ADVERTISEMENT

Hinimok ni Cruz ang mga magulang ng mga menor de edad na bantayang mabuti ang kanilang mga anak at gabayan sila upang hindi masangkot sa ganitong uri ng gulo.


KAUGNAY NA ULAT



ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.