2 holdaper tiklo sa Caloocan; mga suspek posibleng konektado sa viral post
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 holdaper tiklo sa Caloocan; mga suspek posibleng konektado sa viral post
CALOOCAN CITY — Arestado ng Caloocan City Police sina alyas Romel at alyas Mark sa follow up operation ng pulisya sa 8th Avenue, Barangay 61, Caloocan City madaling araw nitong Lunes, Enero 13.

Ayon sa Northern Police District (NPD), suspek sa panghoholdap ng isang 31 anyos na on line-seller ang dalawa.

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang biktimang si alyas “Liz” at kinuha ang cellphone nito.

Agad namang nakahingi ng tulong sa mga rumorondang pulis ang biktima at sa kanilang rumesponde naaresto ng mga suspek. Nakuha sa kanila ang nakaw na cellphone, isang sumpak na may bala ng 9mm at isang granada.

"The prompt action of our officers showcases their dedication to serving the community. Their vigilance and decisive response prevented further harm and ensured justice for the victim," sabi ni Police Colonel Josefino Ligan, District Director ng NPD.

Ayon pa sa NPD, posibleng konektado ang mga suspek sa viral post ng isang netizen na pinag-iingat ang publiko sa mga holdaper na may baril sa C3 at 6th Avenue.

Nasa kustodiya na ng Caloocan City Police ang mga suspek na mahaharap sa paglabag sa RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, RA 9516 o Illegal Possession of Explosives, at paglabag sa Omnibus Election Code.