Hinarang sa checkpoint? Heto ang mga dapat tandaan at gawin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hinarang sa checkpoint? Heto ang mga dapat tandaan at gawin

Patrol Ng Pilipino,

Lyza Aquino

 | 

Updated Feb 16, 2025 11:55 PM PHT

Clipboard

MAYNILA—Pagtitiyak ng PNP, hindi kailangang pangambahan ng publiko ang mga checkpoint. 

Gaya na lamang ng mga nakalatag na PNP Comelec checkpoint bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo. 

Kasabay ng umiiral na gun ban, layunin ng mga PNP Comelec checkpoint na panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa mga lugar. 

Hinihimok ang kooperasyon ng publiko sa mga checkpoint gaya ng pagbagal sa sinasakyan, pagbaba ng bintana at pagbukas ng ilaw para sa mga sasakyan, at paghahanda sa driver’s license at OR/CR ng motor o sasakyan. 

ADVERTISEMENT

Gayundin, may sinusunod na mga tuntunin ang PNP sa kanilang pagi-inspeksyon gaya ng pagtatalaga ng 8 miyembro nila sa mga checkpoint, pagsasagawa nito sa isang maliwanag na lugar, at pagkakaroon ng marked police mobile doon. 

—Ulat ni Lyza Aquino, Patrol ng Pilipino


Video produced with Armand Derek Sol


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.