2 babae na nagsasangla umano ng mga pekeng titulo ng lupa, arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 babae na nagsasangla umano ng mga pekeng titulo ng lupa, arestado

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang dalawang babae na nagsasangla umano ng mga pekeng titulo ng lupa, sa entrapment operation ng pulisya sa Barangay Burol Main, Dasmariñas, Cavite, Huwebes ng hapon.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Regino Oñate, Chief of Police ng Dasmariñas PNP, dumulog sa kanilang tanggapan ang dalawang nabiktima, matapos silang matangayan ng 450,000 pesos.

Modus umano ng mga suspek ang manghikayat ng mga biktima na mag-invest ng malaking halaga sa mga sinasangla nilang properties.

Marami umano ang nabiktima lalo na't pinapangako ng mga suspek na nasa 10% monthly profit ang makukuha ng mga biktima.

ADVERTISEMENT

“Ang modus po nila is sangla kolekta na tinatawag, sasangla sila ng mga apartments mga paupahan then ikaw kukuha ng income sa apartment, pero isasangla nila sa iyo 'yung titulo, collateral 'yung title,” sabi ng biktima na tumangging magpakilala.

"Nakita ko po sa marketplace 'yung post nila then nag inquire po ako sa kanila. Tapos pinuntahan na po namin sa bahay 'yung magsasangla. Nag transact po kami ng sa halagang 450,000 pesos,” dagdag ng biktima.

Nagtaka na ang biktima matapos silang alukin muli ng panibagong sinasanglang property sa halagang 150,000 pesos.

Doon na nila naisip na ipa-verify ang naisanglang property, bago sila pumasok sa panibagong investment.

Laking gulat nila nang malaman na peke pala ang mga titulo na sinangla sa kanila.

ADVERTISEMENT

“So binerify sa ROD, sa City Assessors Office sa Dasma, LRA lahat po fake yung documents nila at ako po ay pang 21 na biktima na daw nung tao,” sabi ng biktima.

Doon ikinasa ang operation at naaresto sa isang notary public ang dalawang suspek.

“So ginawa po natin pinacheck natin sa LRA kung legit 'yung titulo na iyon. It turned out na peke siya. So we decided na, with agreement dun sa victim natin pumayag sila na ikasa 'yung entrapment operation,” sabi ni PLt. Col. Oñate.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na may walong estafa cases din ang dalawang suspek ngayon at nagpapatuloy ang kanilang hearing.

Tumanggi nang mabigay ng pahayag ang dalawang suspek.

ADVERTISEMENT

Nakakulong na sila sa Dasmarinas Police Station na mahaharap sa mga reklamong estafa at falsification of public documents.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.