2 babae, nasagip sa hostage-taking sa Recto, Maynila | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 babae, nasagip sa hostage-taking sa Recto, Maynila

Job Manahan,

ABS-CBN News

Clipboard

2 babae, nasagip sa hostage-taking sa Recto, Maynila
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA – Sinagip ng pulisya nitong Martes ang dalawang babae na hinostage ng 45-anyos na lalaki sa isang tindahan sa kahabaan ng Recto, Maynila.

Nagkagulo ang mga residente at mga nagbebenta sa Recto nang biglang nagdeklara ng hostage ang lalaki dakong alas-2 ng hapon nitong Martes.

Sabi ni P/Lt.Col. John Guiagui, lead negotiator mula sa Manila Police District, hindi tamang pasahod ang puno’t dulo ng krimen.

“'Yung behavior niya nag-aamba-amba na. Sinabi niya, una is 'yung amo niya, hindi siya binayaran sa mga pinaghirapan niya. Ang usapan nila ay magpapasok sila ng trabaho, 60-40. Sa dami ng pinasok niya, P700 lang ang sinahod sa kanya,” ani Guiagui.

ADVERTISEMENT

Sa negosasyon, nagbigay ang Manila Police District ng P20,000 bilang pambayad umano sa hindi na naibigay na sahod at para pakawalan niya ang mga biktima.

“Pinatawag ko ang nanay, binilang ko ang pera sa harapan niya, binigay ko sa nanay, sabi ko… maawa ka sa dalawang hinostage mo lalo si nanay kasi parang aatakihin na. Binaba niya ang kitchen knife niya kasama ang dalawang hostages na hawak niya,” dagdag ng pulis.

Pagkatapos ng higit isang oras, sumuko ang suspek.

Pawang mga customer ng tindahan at mga dumadaan ang hinostage ng suspek, kasama na ang 66-anyos na babae at 'yung may ari ng tindahan.

“Nagtatakbuhan na dito, eh andiyan kami sa labas, para hindi kami madamay, kami, nagpasukan kami dito. Eh hindi namin akalain na dito rin pala papasok. 'Yung amo ko, ginanyan na niya, may patalim nang hawak,” sabi ng babaeng testigo.

ADVERTISEMENT

Sabi ng 66-anyos na hostage, napadaan lang siya sa tindahan at nagtago sa loob nang marinig na may hostage taking. Paliwanag aniya ng suspek sa kanila, gusto lang nitong ilabas ang kanyang hinaing.

“Nagtago ako sa ilalim ng lamesa, nung nag-urong na, sumiksik siya, nakita niya ‘ko. Dinagdag niya ako dun. Sabi ko ‘utoy wag ka namang ganyan. Hindi na ko makahinga, hinahapo na ako. Sabi niya ‘hindi ‘nay, sandali lang ‘to, hindi kita sasaktan,’” sabi ng 66-anyos na babae sa panayam sa ABS-CBN News.

Humingi ng paumanhin ang suspek sa kanyang mga hinostage at ilang nadamay, at sinabing nagsisisi siya sa ginawa.

“Kaya po ako pumunta sa Recto para kunin ang sahod ko. Ilang araw na sahod ko na ayaw ibigay. Iniipit nila, kulang-kulang P2,000 'yun. Iniipit nila 'yun. Kasama ko anak ko, awang-awa ako sa anak ko. Wala man lang akong cash pambiling candy,” sabi ng suspek.

May mensahe rin siya sa mga employer na hindi tama magpasahod.

ADVERTISEMENT

“Sana sa mga katulad ko, sa mga amo, huwag naman bully-hin ang mga trabahador nila, ibigay ang tamang sahod,” aniya.  

Ayon sa district director ng Manila Police District, iniimbestigahan nila ang impormasyong may sinaksak din umano ang suspek ilang araw bago ang hostage taking, bagay na nauna na niyang inamin.

“We are checking 'yung insidente na 'yan, pero sa imbestigasyon may kaso na ito. Mayroon na siyang kaso for violation of illegal possession of firearm,” sabi ni P/B.Gen. Arnold Thomas Ibay.

“Ang kaso niya ay illegal detention, alarm and scandal, at illegal possession of deadly weapons, ito ang mga complaint na isasampa laban sa kanya,” aniya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Sta. Cruz Police Station ang suspek.

ADVERTISEMENT

Nakalabas naman na ng ospital ang dalawang biktimang babae.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.