Halos P9M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa mag live-in sa Makati
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Halos P9M halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa mag live-in sa Makati
ABS-CBN News
Published Feb 20, 2025 12:53 PM PHT

MAYNILA — Arestado ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati police ang mag-live-in partner na tulak umano ng droga sa ikinasa nilang buy-bust operation sa isang condominium sa Barangay San Antonio nitong Miyerkules.

Nakumpiska sa kanila ang 1,300 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P8.84 million ang tinatayang street value.

Narecover din ang isang piraso ng vacuum sealed foil pack na may label na “Freeso-dried Durien” na may Chinese character. Laman nito ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,000,000.

Ayon kay Police Maj. Ryan Salazar, hepe ng SDEU, matagal nang minamanman ng Makati City Police ang lalaking subject sa operasyon. Ang lalaki umano ang tinuturo ng ibang mga dati nang nahuli ng SDEU sa mga anti-drug operaton sa siyudad.

“May mga tao tayo ginamit mga confidential agent natin, yun yung mga naging way natin para makuha natin tiwala nitong subject,” sabi ni Salazar.

“Medyo mapili sila sa mga taong kinakausap nila and [they] make sure na talagang kilala nila yung tao bago sila magbigay o magbenta. Kumbaga sinisiguro nila yung mga taong kinakausap nila,” dagdag niya.

“Siya naman yung supply niya palabas, within Metro Manila and may nabanggit siya Rizal, somewhere in Rizal yan sa rin sa mga kumukuha sa kanya,” sabi pa niya.

Taong 2015 nang makulong dahil sa kasong frustrated homicide ang lalaking suspek at 2024 dahil sa obstruction of justice.

“Paglabas niya ng 2024 dun siya nag-start mag-engage sa pagbebenta,” sabi ni Salazar.
“Paglabas niya ng 2024 dun siya nag-start mag-engage sa pagbebenta,” sabi ni Salazar.
ADVERTISEMENT
Sa imbestigasyon, lumalabas din na hindi nakikita ng mga suspek ang kanilang supplier at ibinabagsak lang ang kontrabando sa iba’t ibang lugar.

“Meron lang din magdadala sa kanya, then iiwan lang somewhere kung anong place yung pag-uusapan then kukunin niya lang doon, hindi talaga tao sa tao yung pagkuha [ng droga], so once makuha na niya yun, minomonitor lang din siya ng tao na nagdala doon,” sabi ni Salazar.

“Mostly parking lot, sa lugar hindi rin definite, iba-ibang lugar,” dagdag niya.

May regular na trabaho naman umano ang babaeng subject, pero ayon sa SDEU, nagbabalak na umano itong mag-resign sa trabaho.

“May nakita kaming resignation letter sa condo nila, nagpasa na siya ng resignation na mag-resign na siya sa work niya para makapag-focus siya dito sa pagbebenta [ng droga]."

Nasa kustodiya na ng Makati SDEU ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabas sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

IBA PANG ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT