ALAMIN: Iba-ibang naging pangalan ng EDSA | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Iba-ibang naging pangalan ng EDSA

Lyza Aquino,

Patrol Ng Pilipino

Clipboard

MAYNILA– Kilala ang EDSA bilang isa sa pangunahing kalsada sa Metro Manila. 

Sentro rin ito ng mahahalagang pangyayari sa kasaysayan gaya ng People Power Revolution noong 1986. 

Ipinangalan sa isang Pilipinong manunulat, historyador at iskolar na si Epifanio de los Santos ang EDSA. 

Bago maging EDSA ang pangalan ng kalsada na ito, tinawag muna itong Highway 54 sa panahon ni Pangulong Manuel Quezon.

ADVERTISEMENT

Kilala rin ito bilang MacArthur Boulevard noong 1945 at naging Avenida 19 De Junio rin sa paggunita ng kaarawan ni Gat. Jose Rizal noong 1946.

Pero sa ilang beses na pagpapalit ng pangalan ng EDSA sa nagdaang mga taon, paano nga ba ang sistema sa pagbibigay ng pangalan ng isang kalsada?

Ayon sa  National Historical Commission of the Philippines (NHCP), ang pagpapalit ng pangalan ng kalsada ay kailangang sumailalim sa proseso at panuntunan.

–Ulat ni Lyza Aquino, Patrol ng Pilipino

Video produced by Lovely Quizol & Raymharc Samonte 


ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.