3 sangkot sa pamemeke ng PWD IDs, arestado sa Maynila | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 sangkot sa pamemeke ng PWD IDs, arestado sa Maynila

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang tatlong sangkot sa pamemeke ng Persons With Disabilities (PWD) IDs sa Barangay 310, Quezon Boulevard, Sta. Cruz, Maynila, noong Miyerkules, mag-a-alas-sais ng gabi.

Isinagawa ang entrapment operation matapos makatanggap ng tawag ang Manila Police District (MPD) tungkol sa paglipana ng pekeng PWD ID.

“Nakatanggap tayo ng complaints galing dun sa SMEs natin o maliliit na mga negosyante natin wherein maraming gumagamit ng fake na PWD cards. Initially, kanina sinubukan natin magtanong sa Recto kung merong PWD card ba doon at nag-alok sila that they can provide us. Tanong pa nga kung saan eh, kung kami ba ay taga-saang lugar kasi kayang-kaya daw nila 'yun,” pahayag ni PLtCol John Guiagui mula sa District Police Intelligence Operation Unit.

Dagdag niya, higit P500 ang singil ng mga fixer pero natawaran ng mga operatiba ng hanggang P200.
Dagdag niya, higit P500 ang singil ng mga fixer pero natawaran ng mga operatiba ng hanggang P200.
ADVERTISEMENT
“Sinundan lang natin kung saan nagpagawa… pagkakuha ng card, pinasok na nila 'yung bahay,” sabi ni PLtCol Guiagui.

Sa loob ng inuupahang bahay ng isa sa mga suspek, nakumpiska ng mga awtoridad ang isang desktop monitor, keyboard, printer, cutter board, at mga papel na ginagamit sa pamemeke ng PWD ID.

Ayon kay PLtCol Guiagui, ikinababahala nila ang eksaktong panggagaya sa template ng PWD ID at pirma ng mga alkalde mula sa Parañaque, Caloocan, Calamba, Marikina, Maynila, Pasay, at iba pang lungsod.

Inamin ng mga suspek ang krimen. Ayon kay PLtCol Guiagui, ang 49-anyos na lalaki at 31-anyos na babae ay mga fixer, habang ang 34-anyos na babae ay gumagawa ng pekeng ID.

“Sa mga bangketa, kalsada, nag-aalok lang po kami, 'Boss pagawa kayo.' Ganun po ginagawa namin… kinukuha lang namin ang pangalan, detalye,” sabi ng 49-anyos na suspek.

Hindi umano kayang bitawan ang pagiging fixer dahil hindi sapat ang kita mula sa pagtitinda ng sigarilyo at dyaryo para suportahan ang tatlong anak at apat na apo.

Dagdag niya, ang kustomer na mismo ang namimili ng disability na ilalagay sa kanilang card.

Nag-alok din ng pekeng PWD ID ang 31-anyos na babae matapos magbawas ng empleyado ang pabrika na dati niyang pinagtatrabahuhan.

Paliwanag ng 34-anyos na suspek na may-ari ng nakumpiskang kagamitan, ang kustomer mismo ang nagbibigay sa kanila ng sample ng ID na gagayahin, at ini-scan lamang niya ito.

“Namasukan kasi akong gumagawa ng mga invitation. Tapos may isang lumapit sa akin na nagturo. 'Yun, dun ako natuto,” sabi ng 34-anyos na suspek.

Ayon kay PLtCol Guiagui, mula pa noong 2024 nagsimula ang operasyon ng mga sangkot at umaabot sa 20-30 ang nagpapagawa sa kanila ng mga pekeng PWD ID bawat araw. Itinuturing ng ilang negosyante na dahilan ng kanilang pagkalugi ang 20% discount na ibinibigay sa mga gumagamit ng pekeng PWD ID.

Nasa kustodiya na ng Manila Police District ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 171 o Falsification of Public Documents at Article 176 o Manufacturing and Possession of Instruments of Implements for Falsification.