Why Sandro Marcos signed Sara Duterte impeachment complaint

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Why Sandro Marcos signed Sara Duterte impeachment complaint

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Congressman and Philippine presidential son Sandro Marcos cites personal reasons for taking the lead in signing the impeachment complaint against Vice President Duterte. The congressman's colleagues, meanwhile, slammed the vice president's dismissive reaction to her impeachment. -ANC, The World Tonight, February 7, 2025

ADVERTISEMENT

3 arestado sa pagnanakaw umano ng mga inihahatid na paninda sa Antipolo

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Antipolo CCPS

Naaresto ang tatlong delivery personnel matapos umanong matuklasan na binabawasan ang samu’t saring produktong kanilang inihahatid sa mga sari-sari store sa Antiplo City, Rizal, nitong Biyernes ng umaga, June 27, 2025.

Ayon sa PNP, nagsimulang magduda ang auditor ng delivery company matapos magreklamo ang kanilang mga kliyente dahil kulang ang mga naidedeliver na produkto.

“May suspek na sila na during inventory laging kulang. Minabuti nilang manmanan at sundan ang kanilang empleyado na supposed to be magdedeliver lang ng mga assorted products."

"True enough ‘yung kanilang hinala ay biglang huminto sa isang lugar at habang binababa, ina-unload nila ‘yung mga assorted products ay kinukunan nila ng video recording,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Jaime Pederio Jr., Officer-In-Charge ng Antipolo Component City Police Station.

ADVERTISEMENT

Naaresto ang tatlong suspek sa kalagitnaan ng kanilang delivery sa Barangay Sta. Cruz.

Ayon sa PNP, narekober sa pinagbabaan nilang bahay ang limang kahon ng iba’t ibang produkto gaya ng gatas, kape, juice, at seasoning na may kabuuang halaga na mahigit P15,000.

Itinanggi ng mga suspek ang paratang.

“Hindi po totoo ‘yun, napagbintangan lang po kami,” sabi ng 34-anyos na suspek.

“Nagdeliver lang kami nun. ‘Yun lang po,” depensa ng 25-anyos na suspek.

ADVERTISEMENT

“Wala po akong alam, bago lang po ako,” paliwanag ng 26-anyos na suspek.

Apat na taon na sa trabaho ang 34-anyos na driver, isang taon naman sa serbisyo ang pahinanteng 25-anyos, habang tatlong buwan pa lang ang isa pang pahinante na 26-anyos.

Nakakulong na sila sa Antipolo Police Community Precinct 2 at nahaharap sa kasong Qualified Theft.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.