Babaeng notoryus umanong magnanakaw ng mga bag sa mga mall, arestado

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Babaeng notoryus umanong magnanakaw ng mga bag sa mga mall, arestado

Lyza Aquino,

ABS-CBN News

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang isang babae na wanted sa patong patong na kaso ng pagnanakaw sa Quezon City at Maynila.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roldante Sarmiento, Station Commander ng QCPD Station 15, una nilang naaresto ang babae noong December 18, para sa warrant of arrest sa kasong theft.

Pero sinilbihan nilang muli ng panibagong warrant ang suspek kamakailan, matapos malamang may iba pang mga arrest warrant ang akusado para sa parehong kaso.

"Actually itong ating suspek ay nung December 18 pa lang ay nahuli na natin by virtue of warrant of arrest din at after a week sa ating pagveverify ay may lumabas na naman na isang warrant of arrest na ganun din pong [kaso] dito sa Quezon City," sabi ni Sarmiento.

ADVERTISEMENT

"Nitong January 4 ay meron na namang lumabas na warrant of arrest na galing pang RTC ng Maynila. Yung pang-apat ay nitong February ay naiserve din natin sa kanya," dagdag niya.

Ika-sampu sa Most Wanted List persons nila ang babae na modus umano ang magnakaw ng mga brand new bags sa mga mall.

"Sa pagkakaalam namin ay nagiisa lang siya o solong lumalakad at ang kanyang modus kapag nahuhuli siya ay nagpapalit siya o nag-iiba ng details ng kanyang pagkatao. Halimbawa ibang pangalan na naman gagamitin niya," sabi ni Sarmiento.

Paliwanag naman ng suspek, "nakaugalian" na niya ang pagnanakaw ng bag sa mall.

Nakakulong ngayon sa QCPD Station 15 ang suspek habang inihahanda ang kanyang return of warrant.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.