#Halalan2025: Coin toss kapag tabla ang botohan? Pwede, ayon sa batas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

#Halalan2025: Coin toss kapag tabla ang botohan? Pwede, ayon sa batas

ABS-CBN News Digital Intern,

Fritz Aranda

Clipboard

MAYNILA — Sa bawat halalan, isa lang ang pwedeng manalo sa posisyon. Pero paano kung sa dulo ng bilangan, mag-tabla ang boto ng dalawang kandidato? 

Ayon sa Commision on Elections (COMELEC), may malinaw na proseso sa ganitong sitwasyon: Hindi coin toss agad ang desisyon, kundi “drawing of lots” and opisyal na nakasaad sa batas.  

Batay sa Omnibus Election Code Section 240, kapag pantay ang nakuha ang boto ng dalawang kandidato, pinapayagan ang Board of Canvassers (BOC) na magsagawa ng draw lots.

Ngunit bago ito gawin, may “special public meeting” muna kasama ang mga kandidato para pag-usapan kung aling paraan ang gagamitin.

ADVERTISEMENT

“The board of canvassers, after recording this fact in its minutes, shall by resolution, upon five days notice to all the tied candidates, hold a special public meeting," ayon sa election code.

Dito ay maaring pumili kung anong method ang gagamitin–isa na rito ang coin toss. Kapag ito ang napili, best of three ang labanan.

Kapag nanalo sa coin toss, sila ay pormal na ipoproklama bilang halal na opisyal. Kinikilala ng batas na ang panalo sa ganitong sitwasyon ay maaring pinalad lamang.

Dagdag pa rito, ang nanalong kandidato sa ganitong paraan ay may buong karapatang manungkulan.

“The candidates so proclaimed shall have the right to assume office in the same manner as if he had been elected by plurality of vote.”

ADVERTISEMENT

May mga kaso na sa Pilipinas kung saan ang kapalaran ng isang kandidato ay literal na naipasa sa isang barya. 

Noong 2016, parehong nakakuha ng 3,495 boto sina Sue Cudilla at Noel Beronio sa Araceli, Palawan. Ang naging solusyon? Coin toss.

Sa harap ng mga opisyal at representative ng magkabilang panig, isinagawa ang best-of-three coin toss kung saan nanalo si Cudilla. 

Sa parehong taon, tabla rin sa 3,236 boto sina Marvic Feraren at Boyet Py sa San Teodoro, Oriental Mindoro. Sa coin toss din sila nagdesisyon, at si Feraren ang nanalo.

Kaya ngayong Halalan 2025, paalala sa lahat: Huwag maliitin ang isang boto.

ADVERTISEMENT

Dahil kapag tabla ang resulta, maaring isang barya lang ang magdesisyon kung sino ang susunod na mamumuno.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.