Mga guro, masaya sa kabila ng hirap sa nagdaang halalan | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga guro, masaya sa kabila ng hirap sa nagdaang halalan

Dabet Panelo,

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Parang nanalo sa Ms. Universe kung makasigaw si Teacher Mc Reymel Arceño nang makapag-transmit ng election returns sa Commission on Elections (Comelec) pasado alas-9 ng gabi sa mismong araw ng halalan, Mayo 12, 2025.

"I was not aware na nag-video ang kasamahan ko, akala ko flash light lang," kwento ni Teacher Mc Reymel na nagsilbi bilang Electoral Board sa Don Salvador Lopez Senior High School sa Mati City, Davao Oriental. 

Nai-post ang kanyang video sa Facebook page na Titser Poy na hawak ng kaibigang si Bayan Patroller Jaypee Reoja.

Umabot na ang video sa 3.5 million views, sa huling tala ng ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Kwento ni Teacher Mc Reymel, kinailangan nilang buhatin ang automated counting machine (ACM) para ilabas sa polling precinct at makasagap ng signal, kaya ganoon na lang ang kanilang reaksyon ng mga kapwa guro nang mai-transmit na ang election returns sa Comelec.

Tila hindi nag-iisa sina Teacher Mc Reymel at ang mga kasamahang guro base sa comments sa viral post ng Titser Poy Facebook page. Ganito rin ang naranasan ng guro sa isang coastal barangay sa Sasmuan, Pampanga na si Bayan Patroller Marneil Caladiao.

Sa video na ibinahagi ni Teacher Marneil ay makikita na binuhat din nila ang ACM palabas ng Batang II Integrated School na nagsilbing polling center noong halalan.

Kwento niya, umulan ng malakas isang oras bago sila mag-transmit ng election returns sa Comelec kaya nawalan ng reception ang Starlink. Aniya, nakarating pa sila sa basketball court ng barangay at gumugol ng 30 minuto para makahagilap ng signal.



Hindi rin matatawaran ang tapang at dedikasyon ng mga guro, pulis, at sundalo sa Libacao, Aklan na tumawid ng 20 beses sa Aklan River para marating ang Sitio Maytaraw sa Brgy. Dalagsaan kung nasaan ang Maytaraw Primary School na nagsilbing polling center noong halalan.

ADVERTISEMENT

Makikita sa mga ibinahaging bidyo ng guro na si Bayan Patroller Benedick Zaspa ang kanilang pagtawid sa Aklan River habang buhat ang mga ACM at iba pang election paraphernalia. Sa isang bidyo ay makikitang muntik pang malunod ang tatlong pulis.

"Gusto ko po talagang mapuntahan ang mga pinakamalalayong sitio o lugar dito sa bayan namin para malaman po talaga kung kumusta ang pamumuhay nila doon, maranasan ko din kung ano ang paghihirap nila kasi gusto ko talaga ang mga ganoong experience po. So noong sinabi sa akin noong unang beses na may chance na doon ako mag-serve, grinab ko na ang opportunity, may helicopter man po o wala," aniya.

Kwento ni Teacher Benedick, para makarating sa kanilang polling center ay sumakay muna sila ng mahigit isang oras sa habal-habal at naglakad ng halos limang oras para makarating sa sitio proper ng Bgy. Dilagsaan kung saan sila nagpalipas ng gabi noong Mayo 9. 

Kinabukasan, Mayo 10, ay lumakad ulit sila ng halos limang oras para naman makarating sa Sito Maytaraw.

Tatlong gabi silang natulog sa Sitio Maytaraw bago umuwi noong Mayo 13.

ADVERTISEMENT

"Nang ma-experience ko na, grabe ang saludo ko sa mga kasama naming guro kasi hindi po ganoon kadali yung napagdaanan namin. Hindi lang po physical yung challenge doon, yung mental po kung saan parang safe pa ba kami makakauwi or ano pa kaya ang gagawin namin para mas mapabilis yung paglalakad namin?" dagdag niya.

Pagtatapat ni Teacher Benedick, ito ang pangalawang beses niyang magsilbing Electoral Board sa Maytaraw. Ang una ay noong 2022 presidential elections pero 20 minuto lang ang byahe nila noon papunta at pabalik ng polling center gamit ang helicopter.

Nanghihinayang si Teacher Benedick na hindi naaprubahan ang kanilang kahilingan na gumamit ulit ng helicopter ngayong taon. Panawagan niya ay pagamitin na ulit sila ng helicopter sa mga susunod na halalan para maging mas mabilis at maginhawa ang paglalakbay ng mga guro, pulis, at sundalo na nagsisilbi sa halalan.

Sa kabila ng hirap ay nakatanggap si Teacher Benedick ng P12,000 pesos na taxable honorarium at 3,000 additional allowance mula sa lokal na pamahalaan. May 10 days service credits din ang mga guro sa ilalim ng Rebublic Act No. 10756 o ang Election Service Reform Act Law. Batay sa batas, nadagdagan ang limang service credits sa dati ng limang araw.

Sinubukang kunin ng BMPM ang pahayag ng Comelec tungkol sa naudlot na pagpapagamit ng helicopter para sa mga guro sa Libacao pero hindi pa sumasagot sa mensahe ang spokserson na si Atty. Rex Laudiangco.

RELATED VIDEO:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.