2 lalaking nagnakaw ng kable nahuli sa manhole sa QC | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 lalaking nagnakaw ng kable nahuli sa manhole sa QC
Kaxandra Salonga,
ABS-CBN News
Published May 28, 2025 07:17 AM PHT
|
Updated May 28, 2025 09:22 AM PHT

2 lalaki nahuling nagnakaw ng P117,000 halaga ng cable wires sa QC. Courtesy of Holy Spirit Police

Arestado ang dalawang lalaki na nahuling nagnanakaw ng cable wires ng isang telecommunication company na nagkakahalaga ng P117,050 noong Lunes ng hapon sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.

Ayon kay Lando Buisan, Executive Officer ng Barangay Pasong Tamo, agad sila rumesponde sa lugar nang makatanggap ng tawag mula sa mga security guard na nakakita sa dalawang suspek na pumasok sa manhole.

“Inabutan nila na merong dalawang tao doon sa ilalim noong binuksan nila yung manhole… inangat nila kaya nila nakuha yung dalawang tao sa loob,” sabi ni Buisan.

Aniya, nasa limang metro ang lalim ng manhole.
Aniya, nasa limang metro ang lalim ng manhole.
ADVERTISEMENT
“Halos lumaban pa sa kanila yung dalawang lalaki… hanggang sa naposas sila… Medyo malalim lang din ang pinagkuhanan… pero umakyat sila,” dagdag niya.

Narekober ng mga rumespondeng pulis ang cable wires at hacksaw na ginamit ng dalawang lalaki sa loob ng manhole.

“Yung mga copper wires po ay pag-aari ng isang telecommunications company… most probably ibebenta nila ‘to para gawin nilang pera… sa ngayon po iniimbestigahan pa po namin kung kasama sila dito sa criminal gang sa QC, kung kasama sila sa mga grupo na nagnanakaw ng copper wire,” sabi ni PLtCol. Jose Luis Aguirre, Station Commander ng Holy Spirit Police Station.

Aniya, nakulong na noon ang dalawang suspek sa kasong theft, robbery, at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Iginiit ng dalawang magkakabata na hindi sa kanila ang hacksaw at may ibang pumutol ng cable wires.
Iginiit ng dalawang magkakabata na hindi sa kanila ang hacksaw at may ibang pumutol ng cable wires.
ADVERTISEMENT
“Wala po kaming ninakaw… hindi po kami ang nagputol no’n,” sabi ng 31-anyos na suspek.

“Nasa baba po (kami) para maghanap ng maliliit na tanso lang. Hindi po ganun kalaki na gaya ng nakuha sa amin… dahil po wala kaming pera, wala rin pong trabaho,” pahayag ng 33-anyos na suspek.

Nasa himpilan ng Holy Spirit Police Station ang dalawang lalaki na mahaharap sa kasong Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.