Babaeng lumabas sa kanal sa Makati tatanggap ng P80K para pampatayo ng tindahan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babaeng lumabas sa kanal sa Makati tatanggap ng P80K para pampatayo ng tindahan
Marilyn Cahatol,
ABS-CBN News
Published May 30, 2025 09:36 AM PHT
|
Updated Jun 05, 2025 02:54 PM PHT

MAYNILA — Tinulungan ng Department of Social Welfare and Development si Rose, ang babaeng lumabas mula sa isang kanal sa Makati City, at iba pang mga indibidwal na nakatira sa lansangan, ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, bibigyan ng ahensiya si Rose ng P80,000 na tulong upang makapagsimula ito ng isang tindahan.

“Ang magiging intervention natin kay Rose, pangarap daw niya kasing magkaroon ng tindahan at sa assessment ng ating social worker ay kaya naman niya,” ani Gatchalian.

Ayon sa kalihim, titingnan din ng ahensiya kung paano nito matutulungan ang partner nitong si Jerome.
Ayon sa kalihim, titingnan din ng ahensiya kung paano nito matutulungan ang partner nitong si Jerome.
ADVERTISEMENT
“Si Jerome, ang kanyang partner, ay dadalhin din niya sa atin baka matulungan sa training dahil marunong mag–welding. So, baka matulungan sa pagbili ng welding machine para yung kita nilang dalawa mas maging stable,” sabi ni Gatchalian.

Kasama si Rose, naglibot din ang kalihim sa mga lansangan ng Makati City upang mag-abot ng tulong sa iba pang mga walang tirahan, at hikayatin sila na madala sa Pag-abot shelter, isang programa ng DSWD para sa mga walang sariling tirahan.

“Tutulong si Rose. Yung mga nakakasalamuha niya na kagaya niya ng sitwasyon, tutulungan niya kami na kumbinsihin sila na sumama dito sa Pag-Abot shelter para mabigyan ng tulong,” sabi ni Gatchalian.

Umani ng samo’t saring reaksiyon noong Martes si Rose nang makuhanan ito na lumalabas sa isang kanal sa Makati City.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ginamit ng babae ang drainage system bilang pansamantalang tirahan, kasama ang dalawa pang indibidwal.

Pinabulaanan naman ni Rose na nakatira siya sa imburnal noong makuhanan siya ng video. Aniya, pumasok lang siya sa imburnal para makuha ang isang cutter bladena nahulog doon.

Sinabi ng DSWD na dating nangupahan si Rose at ang kanyang partner sa Pasong Tamo sa Makati City.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT