Anim na lalaki nahuling nagnakaw ng P198,000 halaga ng mga kable sa Caloocan
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Anim na lalaki nahuling nagnakaw ng P198,000 halaga ng mga kable sa Caloocan
MAYNILA — Inaresto ang anim na lalaking nagnakaw umano ng P198,000 halaga ng mga kable ng internet ng telecommunication company sa Barangay 71, Caloocan City nitong Miyerkules ng madaling-araw.

Ayon kay PLt. Alexander Sales, Deputy Station Commander ng Caloocan Police Sub Station 3 (West Grace Park Substation), agad silang rumesponde sa Rizal Avenue nang makatanggap ng report mula sa concerned citizen tungkol sa grupo ng mga lalaki na nagpuputol ng kable sa imburnal.

Naabutan ng mga pulis ang anim na lalaki na ipinapasok ang nasa 45 piraso ng putol na kable sa loob ng delivery vehicles.

“Andon, nakita nila napakaraming tao, anim sila. Kinausap agad (kung) may permit ba kayo, ano ba yan? So nang makita na kable ang pinutol so agad nilang inaresto… narekober namin yung dalawang bolt cutter tsaka lubid kasi hinila nila ‘yan palabas,” sabi ni Sales.

Kabilang sa mga nahuli ang isang 16-anyos na lalaki, na dinala na sa isang youth center para sa Children-in-conflict-with-the-law (CICL).

Kalaboso rin ang dalawang driver ng delivery vehicle na pinaglagyan ng mga kable.

“Binook po kami, nung pagbook po samin, pagdating po sa area ganun po pala yung nangyari, nadamay po kami… masakit po ang nangyari, nagtrabaho lang po ako para sa aming pamilya,” giit ng isa sa mga driver.

Ayon sa mga nahuling pumutol at nagbuhat ng kable na napag-utusan sila ng hindi kilalang lalaki kapalit ng pera.

“Sabi lang po samin, tumulong lang po kami tapos bibigyan po nila kami ng pera… sabi po saming mga nagbubuhat, yun po pagkakasabi samin, bibigyan kami ng hanggang P500 para kumita raw po kami,” sabi ng isa pang suspek.

“Alam po namin ang ginagawa pero napasubo lang po kami dahil sa pangangailangan… hindi po kami magkakakilala,” giit ng isa pang suspek.

Iniimbestigahan ng pulisya kung sangkot ang grupo sa insidente ng nakawan ng kable noong Abril sa parehong lugar.

“Hobby na ginagawa nila talaga ‘yan. Hindi lang isang beses siguro kasi expert eh, kung paano nila putulin nang maayos, gaano kahaba ang kaya nilang dalhin,” sabi ni Sales.

Nasa kustodiya na ng Caloocan Police Sub Station 3 ang mga suspek na mahaharap sa kasong theft at paglabag sa Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013.