SUV nabagsakan ng mga tipak ng konkreto mula sa Skyway; estudyante sugatan
ADVERTISEMENT
SUV nabagsakan ng mga tipak ng konkreto mula sa Skyway; estudyante sugatan
MAYNILA -- Nahulugan ng malalaking tipak ng konkreto ang isang Sport Utility Vehicle o SUV habang binabaybay nito ang MIA Road sa Brgy. Tambo, Parañaque nitong Miyerkules.
Sugatan ang 21-anyos na estudyante na siyang nagmamaneho ng SUV matapos bumagsak ang mga tipak ng konkreto sa bubong at windshield ng sasakyan.
Ayon sa Highway Patrol Group, nangyari ang insidente pasado alas-dose ng tanghali.
Ayon naman sa ama ng biktima, papasok sana sa eskwelahan ang kaniyang anak nang mangyari ang insidente.
ADVERTISEMENT
Nakalabas na rin ng ospital ang kaniyang anak na nagtamo ng mga sugat sa kamay at nakaranas ng pagkahilo dahil sa impact.
Dagdag pa niya, nakipag-ugnayan na sa kanila ang pamunuan ng Skyway na siyang nagbayad ng hospital bills at towing, at nangakong papalitan ang nasirang sasakyan at iimbestigahan ang insidente.
Dinala na sa Skyway/SLEX Sub-Office ang sasakyan.
Samantala, nagtungo rin sa lugar ng insidente ang mga tauhan mula sa maintenance and engineering office ng NAIAX para magsagawa ng inspeksyon.
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT


