Tatlong ina nagnakaw umano ng cellphone para ipambili ng school supplies ng mga anak
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Tatlong ina nagnakaw umano ng cellphone para ipambili ng school supplies ng mga anak

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Arestado ang tatlong babaeng nagnakaw umano ng cellphone sa dalawang government employees sa Barangay Commonwealth, Quezon City noong Lunes ng umaga.
Ayon kay PMaj. Jerryzaldy Tugbo, Deputy Station Commander of Batasan Police Station, nag-aabang ng masasakyang jeep ang mga biktima sa Don Fabian Street nang tangayin umano ng mga suspek ang kanilang cellphone.
“Yung biktima natin dito na dalawang babae, papasok sila sa trabaho nila, mga government employee… then itong apat na suspek natin, tinabihan sila, then nakita ng mga bystander yung ginawa nilang pagkuha sa cellphone. Then yung isang bystander, dahil malapit lang yung Traffic Sector 5, humingi ng tulong doon,” aniya.
Agad natunton ng pulisya ang tatlong babae na magkapatid na 42 at 39-anyos, at ang kanilang kaibigan na 39-anyos.
Napag-alaman na anim na beses naaresto ang 42-anyos na babae sa kasong theft, habang tatlong beses na nakulong sa parehong kaso ang dalawa pang suspek.
“Sa modus nila, ang ginagawa nila, yung dalawang babae didikit sa biktima nila. Then pag nakuha yung cellphone, pinapasa na doon sa mga kasamahan… may grupo po sila, and ang mga ito ay lumalaro sa mga lugar ng Manila, Quezon City, Caloocan, and sa San Jose Del Monte Bulacan,” sabi ni PMaj. Tugbo.
Patuloy na pinaghahanap ang isa pa nilang kasamahan na tumakas.

Nasamsam mula sa mga suspek ang dalawang cellphone na nagkakahalaga ng P6,000 at P5,000.

Inamin ng tatlo na nagawa nila ang krimen dahil sa matinding pangangailangan.

“Para po sana (ito) sa pambili ng mga gamit ng mga anak ko po sa pasukan… nag-usap-usap lang po kami para magsama-sama po para sa pangangailangan po ng mga anak namin pero wala po kaming gang na sinasalihan,” sabi ng 42-anyos na suspek, na sinilbihan ng arrest warrant sa parehong kaso.

Dagdag niya, balak sana nilang ibenta ang mga cellphone sa kanilang mga kapitbahay.

“Dala po ng pangangailangan po kaya nagagawa po… nagsisisi (ako) na bumalik po ulit (sa kulungan),” sabi ng kanyang 39-anyos na kapatid.

Nasa kustodiya ng Batasan Police Station ang mga suspek na mahaharap sa kasong theft.