2 Pinoy na sangkot umano sa kidnapping ng 3 dayuhan, sumuko sa NBI
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 Pinoy na sangkot umano sa kidnapping ng 3 dayuhan, sumuko sa NBI
Karen De Guzman,
ABS-CBN News
Published Jun 02, 2025 09:29 PM PHT
|
Updated Jun 02, 2025 10:34 PM PHT

MAYNILA — Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang Pinoy na sangkot sa pagdukot ng tatlong dayuhan sa Nasugbu, Batangas.

Base sa imbestigasyon ng Inter-Agency Task Force Against Kidnapping, kasabwat sila ng dalawang Chinese na unang naaresto noong Mayo 3.

“This case involves the kidnapping of two Chinese and one Korean national sa Nasugbu, Batangas. We were able to capture four dalawang Chinese mastermind at several Filipinos,” sabi ni NBI Director Jaime Santiago.

Napag-alaman na nagtatrabaho bilang driver-bodyguard ng mga biktima ang suspek na mga Filipino.
Napag-alaman na nagtatrabaho bilang driver-bodyguard ng mga biktima ang suspek na mga Filipino.
ADVERTISEMENT
“Mga PA po sila, protection agent. ‘Yun talaga ‘yung mga trabaho nila. Karamihan sa kanila, itong grupo nila, kinukuhang bodyguard ng mga victim,” sabi ni Atty. Jerome Bomediano, hepe ng NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD).

“We found out that these two Chinese nationals ay sila po ‘yung namumuno sa grupo. At sila rin po ang nag-uutos, sila rin po ang nagdidikta kung saan dadaan, at sila rin po ang nag demand ng ransom mula po sa mga kamag-anak po ng biktima,” sabi ni PCol. David Poklay, Acting Director ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG).

Aabot sa higit 100,000 US dollars ang ransom na hiningi ng mga suspek kapalit ng paglaya ng tatlong dayuhan.

“Mas minamabuti po natin na irespeto po ‘yung privacy po ng ating mga biktima. Sapagkat tuloy-tuloy po itong kasong ito and they are cooperating with us,” paliwanag ni Poklay.

“We assure you that they are in safe condition. Pinoprotektahan po namin sila,” ayon kay Santiago.
“We assure you that they are in safe condition. Pinoprotektahan po namin sila,” ayon kay Santiago.
ADVERTISEMENT
Depensa naman ng isa sa mga sumukong Filipino, nadala lamang siya ng pangangailangan.

“Bibigyan po ako ng pera. ‘Pag 20 million daw po pataas, 30% daw po. Sobra-sobra po ang pagsisisi ko,” sabi ng suspek.

Sinampahan sila ng reklamong kidnapping for ransom.

Patuloy namang tinutugis ang dalawa pang indibidwal na may kinalaman din sa pagdukot.

RELATED VIDEO:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT