Sunog sa Las Piñas kumalat sa Parañaque; 100 bahay natupok | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sa Las Piñas kumalat sa Parañaque; 100 bahay natupok

Francis Orcio,

ABS-CBN News

Clipboard


MAYNILA — Humigit-kumulang 100 bahay ang natupok sa sunog na sumiklab sa Barangay Almanza Uno, Las Piñas City na kumalat sa katabing Barangay BF Homes sa Parañaque City, alas-12 ng tanghali nitong Lunes.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-Las Piñas, itinaas sa ikatlong alarma ang sunog.

Naging pahirapan din ang pag-apula sa apoy dahil malayo ang fire hydrant. 

Dahil dito, naging mabagal ang suplay ng tubig kaya ayon sa BFP, umabot sa 40 fire trucks ang rumesponde, kasama na ang mga bumbero ng BFP at fire volunteers.

ADVERTISEMENT

"Mabilis kumalat iyong apoy gawa ng malakas din iyong hangin. Tumawid iyong apoy sa kabilang city, iyong boundary. Umabot na doon sa Parañaque," sabi ni FSInsp. Maria Luisa Andrade, Chief Operations Section ng Las Piñas Fire Station.


MGA PERANG NASUNOG


Isa sa mga nawalan ng tirahan ang pamilya ni Edgar Capada.

Ligtas ang kanyang pamilya, pero walang naisalbang gamit, kabilang na ang kanyang ipon na nagkakahalaga ng P350,000.

Kuwento ni Edgar, tatlong taon niya itong inipon mula sa pagtatrabaho bilang gardener sa isang pribadong kumpanya, at gagamitin sana pambili ng sasakyan.

"Wala ng ano 'yan kasi tingnan mo naman may tig-isang libo, may isang daan, wala na sunog na talaga. Plastic kasi iyong lagayan niyan. Maraming laman talaga iyon," sabi ni Edgar Capada.

ADVERTISEMENT

Tanggap niya rin ang nangyari, dahil aniya, ang mahalaga ay ligtas ang kanyang asawa at dalawang anak.

Ganito rin ang sinapit ng ipon ng pamilya ni Angelita Camba.

Kasama sa natupok ang P130,000 na ipon ng kanyang asawa na driver sa isang barangay.

Nasa trabaho sila nang sumiklab ang sunog kaya wala ring naisalbang gamit.

"Matagal [inipon] din ito. Minsan nababawasan, minsan nadagdagan. Iniipon lang namin para sa future ng mga bata," paliwanag ni Angelita Camba.

ADVERTISEMENT

Ayon pa sa BFP-Las Piñas, bandang 1:12 ng hapon nang ideklara ang fire under control o mahigit isang oras mula nang sumiklab ang apoy.

Walang nasawi sa sunog pero lima ang nagtamo ng sugat at sunog sa katawan.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.