Bikers pabor sa implementasyon ng NCAP
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bikers pabor sa implementasyon ng NCAP
Dabet Panelo,
ABS-CBN News,
Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Jun 03, 2025 09:52 PM PHT

“Maski maulan ay maayos ang EDSA bike lane.”

Ito ang teksto na nakalagay sa video post ng bike commuter na si Bayan Patroller Janardan Ladyong sa kanyang Facebook page na Manila Bike Commuter.

Aniya, ito ang magandang dulot ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy ng Metropolitan Manila Development Authority na nagsimula noong Mayo 26, 2025.

Sa bidyo na ibinahagi ni Bayan Patroller Janardan, makikitang maluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA bike lane kumpara sa bidyo na kuha naman niya noong Abril 13, 2024 kung saan makikita na madaming nakasakay sa motorsiklo na sumisingit at ginagamit ang lane na para lang sa mga siklista.

“Yes, sobrang laking difference. If you watched my videos, lalo na nitong mga nakaraang araw,” aniya.

“Kasi nag-start siya May 26 diba? Sobrang luwag. Doon ko nga nakita. Before NCAP was implemented noong May 26 mayroong mga parts ng EDSA na may protected barriers. Pero, kahit na may protected barriers 'yon, pinapasok 'yon ng motor. Kasi ang daming nagkakalat ng misinformation sa social media, sasabihin nila na sharrow daw 'yan, shared lane 'yan. Dahil may tatlong arrow, dapat shared lane. Sabi ko nga, parati kong sinasabi, Kung shared lane 'yan, bakit may nakasulat na BAWAL MOTORSIKLO SA BIKE LANE?” dagdag pa niya.

Aminado si Bayan Patroller Janardan na nagkaroon siya ng kumpiyansa na mag-bisikleta sa EDSA dahil sa pagpapatupad ng NCAP at isang dahilan ito para ipagdiwang ang World Bike Day ngayong Martes, Hunyo 3, 2025.

“So ayun nga, ‘yung NCAP, ang laking ano no’n. Malaking effect siya. Kunyari, kung takot ka noon sa EDSA, siguro masasabi ko ngayon na, i-try mo mag-bike, lalo na with the NCAP implementation, kasi sobrang laki no’ng difference. Maski pintura, nirerespeto, hindi pinupuntahan ng mga motor o kotse,” aniya.

Ganito din ang saloobin ng babaeng bike commuter na si Geri Armanani, founder at administrator ng Facebook page na Pinay Bike Commuter.

“’Ako po, I can confidently say, that 99% of bikers, especially bike commuters, are very happy with this implementation. Kasi po gaya po ng nakikita niyo for the last week, ang dami pong post, na finally, nag-clear up na po ‘yung bicycle lane sa EDSA,” aniya.

Ani Armanani, malaki ang pagbabago sa mahirap na pinagdadaanan ng bike commuters dahil sa pagpapatupad ng NCAP.

“Hindi na po kami naha-harass, hindi na siksikan sa daan, hindi na pahinto-hinto ‘yung daan namin,” aniya.

Sa datos ng MMDA, may 1,517 na bicycle related road crashes sa Metro Manila noong 2024.

Ayon kay Engr. Mar Anthony L. Santos, Planning Officer II, Metro Manila Accident Reporting and Analysis System ng MMDA, bumaba na ito 11.34 percent sa dating bilang na 1,711 noong 2023.

Sa parehong taon, karamihan ng bicycle related road crashes ay nangyayari sa Quezon City (462 cases sa 2023 at 436 cases sa 2024) sa pagitan ng alas-6 hanggang alas-8 ng umaga.

Kaya sa planong rehabilitasyon ng EDSA, mungkahi ng bike commuters tulad nila Bayan Patroller Janardan at Armanani na bigyang prayoridad ang mga pedestrian kabilang na ang bicycle riders.

“If you’re just going to re-asphalt EDSA, parang, pupuliduhin mo lang, walang mangyayari. Traffic congestion will be there. You have to take into account na dapat maging inclusive ‘yung EDSA. If you want more people be using EDSA, kailangan mas maging inclusive siya,” ani Janardan.

“Kailangan natin ma-move ‘yung mga tao, hindi ‘yung mga motor vehicles o ‘yung kotse. Move more people, not cars,” dagdag pa niya.

“Naniniwala po ako na ‘pag na-address natin ang mga needs ng ating mga pedestrian users, ng mga ating mga PWD, bata, buntis, matatanda; ‘pag na-address po natin ang needs nila sa daan, for sure, lahat po tayo, ma-a-address din po ‘yung mga needs natin,” ayon naman kay Armanani.