Hidden cam: Computer shop sa San Mateo ninakawan ng customer | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Hidden cam: Computer shop sa San Mateo ninakawan ng customer

Christopher Sitson,

ABS-CBN News

Clipboard

Hidden cam: Computer shop sa San Mateo ninakawan ng customer
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Huli sa hidden camera ang pagnanakaw ng isang 45-anyos na lalaki sa isang computer shop sa Barangay Maly, San Mateo, Rizal, nitong Sabado ng hapon, May 31, 2025.

Sa video makikita na nagco-computer ang lalaki. Maya-maya ay makikita na panay ang tingin niya sa paligid hanggang sa tumungtong na siya sa upuan at inabot ang piyesa ng computer. Agad niya itong isinilid sa dala-dalang bag at umalis sa computer shop.

Ayon kay Jovy Dumagin, nanay ng may-ari ng computer shop, matagal na nilang pinaghihinalaan ang lalaki na nagnanakaw sa shop dahil madalas silang mawalan ng piyesa ng computer tulad ng AVR o Automatic Voltage Regulator at motherboard.

“Sa tuwing pupunta nga siya d'yan may bag siyang dala tapos mga 10 minutes pa lang nagagalit siya sa mga bata, pinapalabas niya, ‘Ang ingay-ingay niyo’. ‘Yung anak ko pagdating ng gabi, ‘Mama, bat wala ‘yung ano’. ‘Malay ko’ kako. Kaya ginawa ng anak ko nag-install na nga siya ng hidden camera dyan,” sabi ni Dumagin.

ADVERTISEMENT

Aabot sa P40,000 ang halaga ng mga nanakaw na gamit ng suspek, kabilang ang P11,000 na halaga ng motherboard na pinakahuli niyang natangay.

Isang araw matapos ang insidente, may residenteng nagpadala kay Jovy ng CCTV footage kung saan hagip ang lalaki na umaaligid sa kalapit na computer shop. Agad siyang nagtungo sa barangay para magsumbong.

“Doon sa kabilang computeran na po namin naabutan naglalaro, sumama naman po siya nang maayos,” sabi ni Marcelino Corpuz, investigator ng Barangay Maly.

Todo-tanggi pa umano ang suspek sa paratang nang dalhin sa barangay.

“Noong dumating po ‘yung complainant meron pong CCTV, pinakita ko po sa kanya, sabi ko sino ‘yan? nung una sabi niya hindi ako yan! Sino ‘yan? May kakambal ka ba? Tapos tiningan niya po maigi ‘yun. Ngayon sinabi niya ako po ‘yan,” sabi ni Corpuz.

ADVERTISEMENT

Sa hindi inaasahang pagkakataon, habang nagpapatuloy ang kanilang usapan, biglang tumakas ang suspek sa barangay hall.

Matapos nito, mismong anak ng suspek ang nagsuplong sa kanyang ama.

“‘Yung anak kinontak ako na nandun siya sa Montalban,” sabi ni Dumagin.

“Nandoon daw po ‘yung tatay niya sa bahay nila,” sabi naman ni Corpuz.

Nadakip ang suspek sa bayan ng Montalban, Rizal. Ayon sa barangay, nakiusap umano ang lalaki na ibabalik na lang ang ninakaw na piyesa na naibenta na niya sa junkshop.

ADVERTISEMENT

“‘Yung ninakaw niya raw ay naibenta niya lang ng 50 pesos. Kaya lang ang sabi nung may-ari 11,000 ‘yung presyo nun inano mo lang ng 50 pesos, mai-a-ano ba natin ‘yun? Baka mamayan kinahoy na,” sabi ni Corpuz.

Tumangging humarap sa media ang suspek pero paliwanag niya, nagawa niya ang pagnanakaw dahil umano sa matinding pangangailangan. 


Nakakulong na siya sa San Mateo Police custodial facility at nahaharap sa kasong theft.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.