Sunog sa Quiapo; Mga residente sinagip ang mga aso, imahen

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sunog sa Quiapo; Mga residente sinagip ang mga aso, imahen

Darylle Sarmiento,

ABS-CBN News

Clipboard

Sunog sa Quiapo; Mga residente sinagip ang mga aso, imahen
iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Dalawang pamilya o 10 indibidwal ang apektado habang dalawang bahay ang natupok sa Barangay 392, Matapang Street, Quiapo, Maynila, 10:08, Linggo ng gabi, June 8.

Bukod sa mga mahal sa buhay, isinalba rin ng ilang residente ang imahen ng mga santo at alagang aso.

“Tatlo po silang mas una po naming sinagip, kaysa sa gamit. Kasi po yung gamit, mababalik pa po. 'Yung mga aso po, hindi na po,” sabi ng residenteng isa sa may-ari ng mga aso.

“Yung diaper lang po ng baby, tsaka ‘yung mga santo po. At ito pong isang box lang ng damit. Sinabi ng lola ng asawa ko na kunin ng asawa ko yung mga santo po,” ayon sa isa pang residente na si Russia Mae Alberto.

ADVERTISEMENT

Itinaas sa 1st alarm ang sunog ng 10:14, umabot ito sa 2nd alarm bandang 10:16, at idineklarang fire out 10:47 p.m.

“Kung makikita niyo po yung involved ay light materials, mostly light materials, kaya tinaas po natin, para po kaagad ay maagapan natin ang pagkalat ng apoy.” FSInsp. Cesar Babante, Station 2 Commander, BFP-Manila

May kaliitan ang daan papasok sa pinangyarihan ng sunog kaya, naging hamon ito sa pagresponde ng mga bumbero.

Umabot ng 13 BFP Firetrucks at 15 Fire Volunteer Firetrucks ang rumesponde sa sunog. Nasa limampung libong piso ang pinsala ng sunog.

Isa sa tinitingnang pinagmulan ng sunog ay electrical in nature.

ADVERTISEMENT

Mananatili muna sa evacuation centers ang mga nasunugan.

“Ngayon, barangay naman po yung ma ano namin, yung pagsisilungan nila, doon sa ginagawa naming barangay hall baka pwede doon muna sila, kasi baka biglang umulan,” sabi ni Ana Corazon Arce, Chairman, Bgy. 392, Zone 40, District III, Manila.

Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa sunog.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.