Mga may edad 80, 85, 90, 95 maaaring makatatanggap ng P10K | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga may edad 80, 85, 90, 95 maaaring makatatanggap ng P10K
Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

MAYNILA — Maaaring makatanggap ng P10,000 ang mga may edad 80, 85, 90, at 95 bilang parte ng pinalawig na batas para sa mga centenarian o mga may edad 100 pataas.

Ayon kay Dr. Mary Jean Loreche, commissioner at officer-in-charge ng National Commission of Senior Citizens (NCSC), lahat ng senior na pumatak ang edad sa mga nasabing "milestone ages" ay mapapabilang sa maaaring mabigyan ng pinansiyal na ayuda.

"Ang ating mga nakatatanda [na] pumasok sa milestone ages na 80, 85, 90, at 95, makatatanggap po sila ng P10,000 cash benefit mula sa national government," ani Loreche sa isang panayam sa Johnson Ikwento Mo sa TeleRadyo Serbisyo.

Bahagi umano ito ng Expanded Centenarian Act na nalagdaan noong ika-26 ng Pebrero 2024.
Bahagi umano ito ng Expanded Centenarian Act na nalagdaan noong ika-26 ng Pebrero 2024.
ADVERTISEMENT
Ngunit mayroong kaukulang araw na dapat masunod ang mga nais na kumuha ng nasabing ayuda.

"Ang simula ng pwedeng mag-apply niyan ay 'yung mga nag-birthday mula noong March 17, 2024. So, pag nag-birthday po kayo ng milestone niyo na 80, 85, 90, o 95 on March 17, 2024 onwards [pwede 'yun]," ani Loreche.

Nilinaw naman ng opisyal na ang mga nag-milestone age noong March 17, 2024 hanggang December 31, 2024 ay makatatanggap ng ayuda pero kasalukuyang wait-listed.

"Subalit sa kadahilanan na 'yung pondo na ibinigay sa NCSC ay magsisimula lamang para doon sa January 1, 2025 hanggang December 31, 2025, sila 'yung unang mabibigyan. So 'yun pong mga nag-milestone ages noong March 17, 2024 hanggang December 31, 2024, considered wait-listed. 'Wag po silang mag-alala kasi dinudulog na natin ito para mabigyan sila ng pondo," aniya.

Dagdag pa na paglilinaw ng opisyal, hindi kabilang sa mga mabibigyan ang mga may edad sa gitna ng milestone ages at tanging mga 80, 85, 90, at 95 lamang ang makatatanggap ng nasabing ayuda.

Bukod pa rito, inihayag rin ni Loreche na sakaling makatanggap na ng P10,000 ang nag-edad 80 ngayong taon, maaari muli itong makatanggap ng P10,000 sa kada milestone age na nakakamit nito.

Sakaling pasok ang edad ng senior citizen na nais i-claim ang ayuda, maaaring mag-apply sa website ng National Commission of Senior Citizens o www.NCSC.gov.ph.

Bukod pa rito, maaari ding dumulong ang mga nais mag-apply nito sa pinakamalapit na Office of the Senior Citizens Affairs, o kaya sa lokal na Social Welfare and Development office.