Higit 50 pamilya inilikas sa Quezon dahil sa landslide

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Higit 50 pamilya inilikas sa Quezon dahil sa landslide

ABS-CBN News

Clipboard

Isa sa mga bahay na napinsala sa Barangay Matinik sa Lopez, Quezon dahil sa pagguho ng lupa o landslide noong gabi ng Disyembre 14, 2024. Retrato mula kay Juvy CabildoQUEZON — Tinatayang nasa higit 50 pamilya o 200 indibiduwal ng Barangay Matinik sa Lopez, Quezon ang inilikas noong gabi ng Sabado dahil sa pagguho ng lupa o landslide.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Asher Mabalatan, chairperson ng barangay, sinabi nitong nawasak ng landslide ang 35 bahay, eskuwelahan at kalsada pati ang riles ng Philippine National Railways.

Bandang alas-10 ng gabi nang mag-umpisa ang pagguho, na nagpatuloy hanggang nitong umaga ng Linggo, ani Mabalatan.

Ilang araw nang umuulan, na sanhi ng paglambot ng lupa sa lugar, ani Mabalatan.

"Biglaan ang pagguho, doon nagsimula sa kalsada, 'yong riles dito balu-baluktot. Apat na araw na umuulan dito, ang lalakas pa ng ulan, talagang nabaha," ani Mabalatan.

ADVERTISEMENT

Nanawagan ng tulong si Mabalatan para sa mga naapektuhan ng landslide.

"Nanawagan po ako sa national [government] na baka puwede kami matulungan dito dahil talagang matindi ang nangyari dito sa akin barangay. Unang-una [kailangan namin ng] gamit sa bahay tapos pagkain [at] tubig dahil ang tubig namin dito ay natabunan na ang lupa," aniya.

Ayon naman kay Melchor Avenilla, disaster officer sa Quezon provincial government, nakikipag-ugnayan na ang kanilang tanggapan sa Mines and Geosciences Bureau para magsagawa ng assessment sa nangyari.

Ilan sa mga inilikas ay nananatili sa evacuation center at ayaw munang umuwi sa kanilang mga bahay sa takot sa pagguho.

— Ulat nina Dennis Datu, ABS-CBN News at Ronilo Dagos

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.