4 sa mga lalaking sangkot sa gang rape ng 15 anyos na dalagita sa Cebu huli na | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
4 sa mga lalaking sangkot sa gang rape ng 15 anyos na dalagita sa Cebu huli na
MAYNILA — Nahuli na ang 4 lalaking kabilang sa mga sangkot umano sa panggagahasa sa 15 taong gulang na dalagita sa Oslob, Cebu na kalaunan ay binawian ng buhay.

Ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo, tagapagsalita ng Philippine National Police, nasa kustodiya na ng Regional Field Unit ng Criminal Investigation and Detection Group sa Central Visayas ang apar, pero nasa 12 hanggang 13 pa ang persons of interest na tinitingnan ng pulisya.

“Base na rin po ito sa naging backtracking sa mga CCTV at mga interviews doon sa mga witnesses na diumano, itong apat na nasa custody na po ng CIDG at iba pa po ang responsable sa nangyari diumanong panggagahasa dito nga po sa ating menor na biktima,” saad ni Fajardo sa media briefing nitong Lunes.

Ayon kay Fajardo, natapos na ang autopsy sa katawan ng biktima, pero hinihintay pa ang resulta ng histopathology para makumpirma ang dahilan ng pagkamatay ng dalagita.

Batay sa imbestigasyon, kasama ng biktima ang kanyang kasintahan para makisaya sa pistahan noong Disyembre 9.

Tatlong araw matapos nito ay tsaka pa lamang nakauwi ang biktima. Naikuwento pa sa magulang niya ang sinapit bago manigas umano ang katawan at ideklarang dead-on-arrival sa ospital.

“Malaki po ang kailangang i-explain ng kanyang nobyo bakit nangyari ito sa biktima,” saad ni Fajardo.