Paggalaw ng Biliran Bridge, huli sa video | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Paggalaw ng Biliran Bridge, huli sa video

Ranulfo Docdocan,
ABS-CBN News
Published Dec 23, 2024 10:15 PM PHT
|
Updated Dec 24, 2024 11:54 AM PHT

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Napatigil muna ang mga sasakyan sa pagdaan sa Biliran Bridge bandang alas-3:45 p.m. nitong Lunes, Disyembre 23, 2024.

Ito'y matapos mapansin ng mga residente at motorista na gumagalaw ang gitnang bahagi ng tulay.

Nakunan ito ng video ng ilang residente na malapit sa tulay at ayon sa isa na si Noly Moncada Palconit, walang ulan pero medyo mahangin nang mapansin nila ang tila pag-uga ng tulay.

Kwento pa ni Palconit hindi nila maiwasan ang mangamba at matakot sa sitwasyon dahil unang pagkakataon ito na nangyari.

Sa kabila ng paggalaw ng nasabing tulay, mayroon pa ring ibang nakamotorsiklo na tumawid pa rin.

Sa advisory na inilabas ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Biliran, hindi muna pinapayagan na makadaan sa tulay ang mga heavy vehicle.

Mga light vehicle lamang ang maaaring makadaan sa tulay tulad ng mga sedan, van, at SUV.

Dagdag pa ng DPWH Biliran, ang paggalaw ng tulay ay dahil nararanasan ang mahangin na panahon sa lugar at dahil dagsa ng mga biyahero ngayong holiday season.

Ang mga pampasaherong bus ay pinapayuhan na pababain muna ang mga pasahero bago tumawid sa tulay.

Pinag-iingat din ang publiko na hindi sabay-sabay na tumawid sa Biliran Bridge.