Pag-ulan nagdulot ng pagguho ng lupa sa Catanduanes | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Pag-ulan nagdulot ng pagguho ng lupa sa Catanduanes

ABS-CBN News
Published Dec 25, 2024 03:09 PM PHT

Retrato mula kay Kagawad JhonneyNagkaroon ng pagguho ng lupa sa isang highway sa San Andres, Catanduanes bunsod ng malakas na buhos ng ulan noong gabi ng Martes.

Nangyari ang rockslide sa may Barangay Asgad, na nag-iwan ng malaking bato sa gitna ng kalsada. Dahil dito, hindi makadaan ang mga motorista na papunta sa mga bayan ng Caramoran at Pandan.

Patuloy ang clearing operation ng Department of Public Works and Highways para maalis ang malaking bato.

Isang minor landslide din ang nangyari sa highway sa bayan ng San Miguel, na mabilis namang tinugunan ng lokal na pamahalaan.

Samantala, nagtulong-tulong ang mga residente ng Barangay Muning sa Baras nitong umaga ng Miyerkules matapos matumba ang poste ng isang telco dahil sa malakas na ulan.

Gawa sa bakal at semento ang poste kaya medyo natagalan pa ang mga residente sa pagtanggal ng poste.

Ayon kay Edna Duran, barangay chairperson, bumalandra sa kalsada ang loste kaya bahagyang naabala ang mga motorista.

"Maghapon magdamag kasi ang ulan dito, lalo na kagabi, sobrang lakas parang may bagyo," ani Duran.

Nagtalaga rin ang Baras police ng mga tauhan para magmando ng trapiko.

Ayon din kay Duran, isa pang landslide ang nakaapekto sa water source ng lugar kaya magdamag na walang tubig ang mga residente.

Ang iba umano sa mga residente at opisyal ng barangay ay umakyat na ng bundok upang ayusin ito.

Patuloy ang pagpapaalala ng mga awtoridad sa mga motorista at residente na mag-ingat, lalo't ngayong maulan ang panahon, upang maiwasan ang mga aksidente.

Isang shear line ang nakakaapekto at nagdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon ngayong Miyerkules, Araw ng Pasko. — Ulat nina Rey Boton at Vince Villar